Ren P.O.V.
Isang linggo na rin simula ng kameng ay maglakabay sa ibat ibang lugar, marami kameng mga nakikilalang mga nilalang na may ibat ibang personalidad sa buhay."Ren, saan tayo mananatili ngayong gabi?." Takang taning ni Frosch. Hindi ko naman mapigilang hindi mapakamot sa kaing ulo dahil sa kanyang sinabi dahil na sa kalagitnaan kame ngayon ng paglalakabay at na sa gitna pa kame ng kagubatan na hidni ko alam kung ano ang tawag rito.
Nagtataasang mga puno lamang ang aking nakikita at bukod roon ay wala na kaya hindi ko alam kung saan kame mananatili ngayon. Napabuntong hininga na lamang ako at napaiwas ng tingin sa kanila.
"Magsimula na lamang muli tayo sa ating paglalakabay at ng sa ganoon ay makahanap tayo ng matutuluyan ngayong gabi." Ani ni Kuya Roy. Mabikis naman akong tumango at sumunod sa kanya sa paglalakad,pansin ko ang inis sa mukha ng dalawang kaibigan ko ng marinig ang sinabi nito ngunit wala silang ibang pagpipilian kundi ang sumunod sa amin.
Sa nakalipas na ikang oras ay isang maliit na bayan at pansin ko din ang kakumaan nito. Ang mga kabahayanan ay hindi gaanong marami at hindi rin gaanong katibayan ang mga ito, nakabaliko na kase ang iba habang ang iba naman ay malaoit na talagang tuluyang bumigay.
"Kailangan na lang natin gawin sa ngayon ay ang kumatok at magtanong." Mungkahi ko. Mabilis akong naglakad sa kauna-unahang bahay na aking nakita. Dahan dahan ang katok na aking ginawa uoang makaiwas na makaabal sa ibang natutulog.
Makalipas lamang ang ilang saglit ay may hindi katandaang lalake ang lumitaw sa aming harapan at seryosong nakatingin sa amin.
"Sino kayo? Anong ginagawa ninyo sa aming bayan?." Seryosong tanong nito. Napalunok naman ako dahil sa nakakatakot na tingin na ipinupukol nito sa amin. "Tauhan ba kayo ng demonyong hari na iyon?." Dagdag nito. Mabilis na nagbago ang aking tingin sa kanya ng marinig ang sinabi nito. Demonyong hari? Isa lang ang kilala ko walang iba kundi ang haring iyon.
"Hindi kame tauhan ng demonyong hari na iyon at wala rin kameng balak na maging tauhan niya sa hinaharap." Seryosong bigkas ni Frosch. Kita ko ang paglinhon nito sa nakakuyom na kamao ni Frosch.
"Kung ganoon ano ang kailangan ninyo?." Mili nitong tanong. Agad naman akong muling tumingin sa kanya bago tuluyang magsalita.
"Kame ay naligaw sa gitna ng daan nais lamang sana namin magtanong kung kame ba ay maaaring manatili sa inyong tahanan ngayon gabi." Magalang na sabi ko. Kita ko naman ang pagkunot ng noo nito bago magsalita.
"Pumasok kayo, wala namang problema iyon sa akin. Huwag lang kayong gagawa ng kahit na anong masamang bagay sa aking mga kasama." Seryosong sabi nito. Mabilis na tumango kame rito at pumasok sa loob ng kanyang tirahan ng buksan niya ng malaki ang pintuan nito.
Sa nakalipas na taon marami na akong nalaman tulad ng mga nilalang na naninirahan sa heaven paradise world at kung ilang clan lamang ang maaarimg mabuo sa 3rd rate kingdom na siyang aming ngayong kinabibilangan. Hindi ko alam sa nakalipas na mga taon ay mas lalo pang dumarami ang aking nalalaman dahil na rin sa tulong ng mga alaalang ibinigay sa akin ni Goddess Bea ngunit may limitation pa rin ito.
Maging ang kakayahang ibinigay niya sa akin ay hindi ko pa rin alam kung ano ang mga ito kase hidni naman niya sa akin nabanggit.
"Pasensya na hindi gaanong kalakihan ang aming tirahan." Hindi naman ako naliliitian sa kanyamg tirahan dahil sakto lamamg ito para sa 7 hanggang walo katao ngunit bakit siya lamang mag isa rito?.
"Matanong ko lamang po anong lugar po ba ito?." Takang tanong ni Greg. Maging ako ay nagtataka rin sa ngalan ng bayang ito.
"Ito ang bagong tirahan ng aming family, skywatcher Family isa kame sa maliit na family dahil na rin sa kagagawan ng mga royalty." Ramdam ko ang galit nito habang isinasalysay sa amin ang nangyari sa kanilang family.
"Ang family namin ang isa sa pinakamalaki at malawak noon ngunit sa hindi malamang dahilan ay isa isang pinapapatay ng hari ang aming family kasama na ang mga elders namin na silang gumagabay sa amin. Ang aming kakayahan ay hindi malakas ngunit importante sa lahat, kaya namin ang malaman kung ano ang meroon sa isang area na siyang ginamit ko sa inyo kanina kaya hindi na ako nagulat na kayo ay kumatok sa aking tirahan." Dagdag nito.
Hindi ko maiwasang hindi mahukat sa kakayahang meroon siya dahil ang kakayahan ng family na kinabibilangan niya ay isa sa pinakaimportante sa lahat. Kaya anong dahilan ng harimg iyon na patayin ang kanilang family?.
"Kung ganoon kaya mong malaman ang mga bagay na nangyayari sa isang lugar gamit ang inyong kakayahan?." Seryosong tanong ni Kuya Roy. Tumango ang ito nilang tugon.
"Ang skywatcher family ay isang family na ginagamit upang magmanman noon sa mga kalaban ng royal family ngunit matapos kameng pakinabangan ay isa isa niyang inuubos ang aming lahi simula sa elders hanggang sa pinakamhina sa aming grupo. Nakatakas lamang kame at nagtago sa lugar na ito kahit na malpit lamang ito sa kapitolyo at alam naming ano mang oras ay mahahanap din kamen g mga ito para patayin." Hindi ko akalaing halang na talaga ang kaluluwa ng demonyong hari na iyon.
"Matulog na kayo at para makapagpahinga na kayo." Ani nito. Agad itong umalis at pumasok sa isang kwarto at naiwan kameng apat na nakaupo sa bakantemg espasyo ng kanyang tirahan.
"Hindi ko alam na hindi lamang ang lahi ng ibang nilalang ang kanyang pinapatay maging ang mga kauri niya ay pinapatay niya para lamang sa kanyang pansariling kagustuhan." Galit na bigkas ni Greg.
Hindi ko siya masisisi dahil ang ugali ng haring ito ay hidni malalayo sa demonyong ama niya na si Duke Rave hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubusang makapaniwala kung bakit ganoon na lamang ang pagkakaiba ng ugali nilang mag-ama gayong sila naman ay magkadugo.
"Magpahinga na tayo dahil bukas na bukas muli tayong magsisimula sa ating paglalakbay." Tumango ang mga ito at naghanap kame ng kanya kanya naming pwestong matutulugan. Hindi naman ako nahirapan makahanap dahil marami namang bakanetemg espasyo. Agad akong humiga rito at dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata.
BINABASA MO ANG
God's And Goddesses Gifts: Volume 1 [ The Begginning ]
FantasyRen Bonifacio isang batang lalake na namatay sa isang hindi maipaliwanag na dahilan,ngunit muling nabuhay sa mindong kanyang hindi inaakalang totoong nag eexist. Walang pamilya,walang kaibigan yan ang buhay na kinakaharap niya sa mundong wala siyang...