My face was impassive when I met his gaze. Iginala ko ang paningin sa court na solo namin at nakita kong nagsisimula nang mag-warm up si pretty little Autumn kalaban yung tennis ball machine. I noticed her being into it. Absorbed siya sa ginagawa niya. Another ganda point for her.
Passionate naman talaga siya sa lahat ng ginagawa niya. I ignored the thought na pati kay Colden ay obsessed siya.
Ibinaba ko yung basket na kinalalagyan ni 'She' sa isa sa hilera ng mga upuan sa gilid habang tinitingnan yung paligid. Hindi tulad sa iba na maraming tao na naghahalinhinan sa palaruan, kami lang ang bukod tangi na solo yung court. I knew Autumn's family owns the place. I wondered kung may kinalaman ba ang presidente sa yaman nila. O yung yaman ng pamilya niya ang dahilan kung bakit naging anak siya sa labas ng presidente ng bansa.
"A kitten," ani Colden pagkalapit na pagkalapit sakin.
Napansin ata ni Autumn na nakarating na ko ngunit pagkatingin niya sakin ay imbes na suklian ang ngiti ko ay lumipat lang saglit kay Colden ang tingin niya bago ipagpatuloy ang paglalaro. Konti na lang ay iisipin ko nang may gusto talaga siya kay Colden.
"Suits you," dagdag ni Colden at binigyan ako ng nang-aasar na ngisi.
I remembered what he said about him finding a kitten. I knew by then that he was pertaining to me.
No, just no.
"Yeah, opposites attract," I snap back. That felt good. I felt like a tigress growling at a lion.
"Hershey is her name, by the way," sabi ko bago siya tuluyang iwan para puntahan si Autumn.
Natapos ang practice na panay two versus one lang. Magkakampi kami ni Autumn at kalaban namin si Col. I also noticed na sa aming tatlo ay si Autumn lang ang hindi nag-e-enjoy. I wondered kung dahil ba yun sa mga smart comments ko.
"You have it, why not flaunt it?" minsang saad ko bago siya bigyan ng once-over. Naka-long sleeves kasi siya at leggings. Hindi katulad ko na kahit naka-blouse ay nag-skirt naman. Nahalata kong medyo nabigla at na-offend ko siya ngunit bumawi agad ako, "I mean ang galing mong mag-tennis ba't hindi ka sumali sa intrams?"
Ganun lang ng ganun ang buong tatlong oras ng paglalaro namin. Ako ay magbibigay ng komentong may double meaning na kung minsan ay dedepensahan ko ng maayos na paliwanag. Si Autumn ay saglit na mahuhubaran ng maskara bago sumagot na parang responsableng estudyanteng mas pipiliin pa ang pagpapanatili ng maayos na pagganap sa mga tungkulin niya bilang isang kalihim, at minsan ay tuluyang hindi niya mapipigilang mas tumagal pa ang pagkaalis ng maskara niya pag talagang napipikon ko na siya. So much for the good-girl façade, Autumn.
At si Colden naman ay parang wala lang na sinasalo lahat ng mga bolang tinitira namin. Tahimik siya ngayon na dapat ipagtaka ko ngunit lahat ng pakialam ko ay nasa kay Autumn lang ngayong araw. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa ngisi niya pag hinihintay kong tirahin na niya pabalik yung bola samin. Lumalaki ang ngisi niya depende sa lebel ng pang-aasar ko kay Autumn. At hindi nakatulong kay Autumn iyon dahil mas lalo lang akong ginaganahang asarin pa ito.
"Lunch break," hinihingal na anunsyo ni Autumn na nagpatigil samin.
Matagal siyang nagpakalma ng hininga habang nakatingin lang sa lupa, ayaw niyang tumingin sakin. Nauna na siyang naglakad nang pagod patungo sa upuan para iwan ang raketa niya dun bago lumabas ng court.
Natatawa akong tinira yung bolang hawak ko kung saan. Hindi pa success sa ngayon pero halos mapuno ko na siya. This was a progress, nonetheless.
Tumungo na rin sa upuan si Colden at nang mapadaan siya sakin na abala sa pagtawa ay, "Fiesty."
BINABASA MO ANG
The Heartless (Original Version)
Science FictionSnow could have simply chosen to die when everything was taken away from her. No, she was already dead. But her heart was taken and she lived. She lived even though she didn't want to, even though she didn't know how to. But there's one thing that s...