Final Volume, Heartbeat 11: The Alchemist
Kahit hindi pa tuluyang nakakababa silang lahat ay pumihit na ako at kumaripas ng takbo sa sobrang pagkawindang. Sinundan ko lang ang pinanggagalingan ng tubig na rumaragasa sa ilog.
Kahit na marahas ang naging paglapag ng mga paa ko sa hindi makikinis na mga bato ay parang hindi ko maalintana. Ni hindi ko nga rin manlang maramdaman ang ilang mga brutal na paghantong ko sa mga batong matutulis—sigurado akong masakit pa rin iyon kahit na nakatsinelas ako lalo na't masyado akong nagmamadali. Tila namamanhid ang buong katawan ko...
Shit! What the hell was that all about?
Mabilis nakahabol sa 'kin ang mga naghihiyawan at nagtatawanan ko pa ring kasama.
"That was... Epic!" narinig kong humahalakhak na komento ni Ice. May bahid ng paghingal sa kanyang boses.
"Whoo!" halos iisang hiyaw nila. Maging si Ski ay nakihiyaw na rin.
Sa isang iglap ay bumaligtad ang mundo—may malalakas na bisig ang umagaw sa 'kin at naaninag ko na lang sunod ang tangos ng ilong ni Colden. Tila isang agila ay dinanggit niya ako!
Halos lumuwal ang mga mata ko sa nangyari. Shit talaga! What the hell?!
Pinanindigan kong ipamalagi ang aking titig sa kanyang ilong lamang habang parang bulak lang na buhat-buhat niya ako; ang isang kamay ay bitbit ako sa ilalim ng mga hita at ang isang braso nama'y nakasuporta sa aking likod.
Sa likuran ng kanyang ilong na pilit kong tinititigan ngayon ay ang maliksing paglagpas ng pinaghalong kulay berde at abelyana na siyang pag-aari ng bundok. Ang bilis niya!
Mabilis kong naayos ang itsura ko nang bumaling sa akin ang kanyang mukha. Kahit na nakakaduling ang titigan siya sa kanyang ilong ay pinaglaban ko pa rin ang pananatili ng mga mata ko roon.
Hindi ko 'to kinakaya.
"Hindi ka pwedeng tumakbo; hindi mo 'ko pwedeng talikuran, Winter Snow. Hindi, hindi talaga pwede," utos niya sa garalgal niyang boses na hindi nabigong magdala pa rin ng pagbabanta.
Nagpasya akong mag-iwas na lamang ng tingin dahil... Mapanganib. Napakalapit lang ng bibig niya sa ilong. Baka aksidenteng mahapyawan ko ang kanyang labi. Lalo na't nagsasalita siya. Baka lumabis na ang pagkawala ko sa katinuan.
Peace of mind, please?
Kahit kaunting sandali lang?
Nagitla ako nang bigla siyang tumigil. Mas nagulat pa ako nang mapagtantong wala na ang mga ingay kanina ng kasama namin.
Nasaan kami? Naligaw ba siya?
Ngunit mali ang inakala ko nang napansin ko ang pamilyar na kapatagan. Tama ang pinuntahan namin. Napatingin ako sa likod namin ngunit walang ni isang tao ang matatanaw.
Saka ko pa lang nabatid na hindi kami iniwan nila Tempest, kundi kami ang nang-iwan sa kanila dala ng sobrang bilis na pagtakbo nitong si Colden.
Kailan ako masasanay sa sobrang kaliksian niya?
Ibinababa ako ng buti naman ay walang imik na halimaw. Napaatras ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko.
Holy fucking Montreal! Lumuhod sa harap—
Hindi ko alam kung bakit para akong nabunutan ng tinik nang makitang hindi naman pala siya lumuhod talaga. Nag-squat lang siya para tanawin ang... paa ko?
"Ano 'yun?" tanong ko sa kalmadong boses. Ironic. Napakahinahon ng tinig ko salungat sa nagwawala ko nang utak.
"Reckless little pussy." Ngumisi siya sa salitang "pussy" kahit na nakakunot naman ang kanyang noo. Tiningala niya ako at parang batang pinagsabihan. "It's flushed." Ngunit hindi na naman nakalagpas sa 'kin ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi niya at ang isang kisap-matang pagkinang sa kalokohan ng kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Heartless (Original Version)
Science FictionSnow could have simply chosen to die when everything was taken away from her. No, she was already dead. But her heart was taken and she lived. She lived even though she didn't want to, even though she didn't know how to. But there's one thing that s...