Xiii. Charm
Pinigilan kong kumurap nang patamaan ni Snow si Aisle sa may bandang itaas ng likod gamit ang patalim. Si Aisle ay napapilipit ngunit pinigilan niyang dumaing sa sakit.
"Again," utos ni Snow sa walang emosyong tinig.
Nanginginig ang kamay ni Aisle na iniangat muli ang hawak na baril. Itinutok niya iyon sa target. Sa unang putok pa lang ay alam ko nang hindi iyon aabot manlang.
Napatalon at napadaing na siya ngayon sa pangalawang beses na pinatamaan siya ni Snow. Doon tumuhog ang kutsilyo sa piging niya.
"Again," utas ni Snow.
Nagtahip ang dibdib ni Aisle na inangat muli ang baril. Tumama ngayon ang bala niyon sa target ngunit hindi sa gitna.
Pumitlag siya nang ngayon naman ay sa binti pinatamaan ni Snow ng kampit. Kinalma niya ang paghinga bago sumubok na namang patamaan ang pinakasentro ng target.
Ilang beses siyang kinailangang parusahan ni Snow dahil hindi niya matama-tamaan iyong gitnang bilog. I wanted so much to help her, to assist her, or anything. I even imagined having super powers to direct the bullet to the bull's eye. But no, I knew better than butting in. Especially now that Snow was in her heartless mode.
Nagmistulang pula ang balat ni Aisle hanggang sa huli-sa wakas-ay natamaan na niya iyong gitna. Daplis lang. Ngunit lumisan na si Snow, pahiwatig na tapos na ang pagsubok ni Aisle sa araw na ito.
"Huwag!" sigaw ko sa nanlalamyang si Aisle.
Bago pa man siya lumuhod-na alam kong gustong-gusto na niyang gawin sa estado niya ngayon-ay nahawakan ko na siya sa magkabilang balikat upang alalayang tumayo.
"'Wag ka munang gagalaw hanggang hindi ko pa natatanggal iyong mga patalim."
Tinuring kong pagsang-ayon ang hindi niya pagsasalita. Hindi na 'ko nag-abala pang bilangin ang mga nakasaksak sa kanya matapos lumagpas sa sampu ang bilang ko. Nahirapan kaming parehas na padapain siya sa pinakamalapit na mesa. Mabuti na lamang ay maliit siya kaya kahit papa'no ay naging kumportable siya sa posisyon niya roon.
"Hello, Charm," bungad ni AC sa kabilang linya.
Inipit ko sa tainga at balikat ang phone ko habang marahang pinupunasan ang duguang katawan ni Aisle.
"AC, emergency. Napuruhan ata ni Snow si Aisle."
"Okay, punta na 'ko ngayon din. Sa shooting range, 'di ba?"
"Oo. Marami siyang saksak sa buong katawan."
Bumuntong-hininga ako sa mura ni AC at sa pagtataray na naman niya. Buti na lang at dumating naman siya agad sa kabila ng mga talak niya.
Hindi naputol ang mga mura niya nang pinutol na niya ang tawag namin. Nagpatuloy iyon lalo na't ngayong nakikita na niya sa totohanan si Aisle.
"That. Snow." Naging bulong-bulong na lang ang mga salita niya nang magsimulang gamutin si Aisle. That's one thing I found handy about her. Kapag trabaho na ay tumatahimik na siya at nagseseryoso-um, seryoso naman talaga siya palagi; sineseryoso niya halos lahat kahit 'yong ibang mga biro namin lalo na ni Snow.
Naging katuwang niya ako sa panggagamot at paglilinis sa mga sugat ni Aisle. Naging mapagmatyag akong maigi sa mga ginagamit niyang aparato. Maging iyong gamot at kung paano niya tinahi ang mga sugat, hanggang sa paglalagay ng benda ay pinagtuonan kong mabuti ng atensyon. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na gusto kong sumunod sa yapak ni AC.
Kalagitnaan ng trabaho namin sa natutulog nang si Aisle ay natigilan si AC. "Huh?"
Nagitla rin ako at napaangat ang tingin sa kanya. "Bakit?"
"It's strange," aniya at pinasadahan ng titig ang kabuuan ni Aisle.
"Ang alin?" Napakunot ang noo ko at tiningnan na rin kung ano ang tinitingnan niya.
"Look, pantay na pantay ang lahat ng tama niya. Kung sa'ng bahagi-halimbawa-sa kaliwang braso ay doon din ang saktong posisyon ng saksak sa kabila naman. Magkakasunod ba siyang tinira ni Snow mula taas hanggang baba?" lingon niya sa akin.
Tumango-tango ako sa unang mga pahayag niya, nakikitang tama nga at pantay-pantay iyong mga tama-perpekto. Ngunit napailing ako sa tanong niya.
"No. Hindi ko nga namalayan na ganito ang mga patama niya. It looked to me as though she was hitting her in random places."
Nagtaas siya ng kilay sa akin at pinagsalubong ang mga iyon nang pinasadahang muli ang kabuuan ng likod ni Aisle. "Strange," bulong niya muli.
Marahas siyang nagpakawala ng hininga at tinuro-turo ang mga sugat.
"Look here. Kung pinili ni Snow na igilid lang ng isang inch ang tira niya, malamang nag-i-internal bleeding na ngayon si Aisle. And..." Yumuko siya at inangat nang bahagya ang isang binti ni Aisle. "Tignan mo. Walang mga tinamaang ugat talaga. Or vital organs. Parang sinadya ni Snow na hindi siya puruhan. Napaka-Napaka-perfect."
Tumango ako at gumaya sa kanyang magpatuloy na tahiin ang mga natitirang sugat ni Aisle.
Iyon ang naging simula ng paniniwala ko kay Snow. Simula noon ay naintindihan ko na siya.
Yes, like us, she had already killed countless people already-innocent or not. But if that person was someone dear to her, she would never dare kill him or her. She may hurt us at times, she may be cruel-She maybe that heartless to us, but deep inside I knew she cared for us.
Hindi lang si Aisle, lahat ata kami ay nasaktan na niya sa pisikal na aspeto. Pero wala akong naaalalang napahamak kami dahil sa mga biro o kabrutalan niya sa amin.
Hinawi niya ang buhok at nag-iwas ng tingin. "'Kay. Fine. Welcome to Slayers."
Nanlaki muna ang mga mata ni Aisle at nalaglag ang panga bago mapagtanto ata ang sambit ni Winter. "H-ho?! Talaga ho?! Thank you! Thank! You!"
Inihagis niya ang sarili kay Winter para mayakap ito nang husto. Napaawang ang mga labi nito at nag-aalinlangan na niyakap siya pabalik. Nasaksihan ko ang unti-unting pagpalit ng ngisi sa gulat nitong bibig.
May kung ano'ng piniga sa puso ko. Humaplos doon ang hindi ko maatim na emosyon. Nabatid kong inihiwalay ni Snow ang sarili niya sa mundo. Sinadya niyang ilayo ang puso niya sa kahit kanino dahil... Dahil akala niya ay wala siyang puso, na wala siyang kaluluwa.
She lived up to her code name because she herself thought she was heartless.
But I'd seen otherwise.
Literal man na walang puso si Snow ay mas may puso pa siya sa ibang tao. Busilak ang kanyang pagmamahal kung mamahalin niya ang isang tao. Walang "pero," walang "kaya lang." Kung mahal niya kami, tanggap niya kami sa kahit sinuman o anuman kami. I couldn't recall a time that she ever judged any of us.
I couldn't remember an instance she would rather risk our lives for the sake of her own. It's actually us before her. It was always us first, before her.
She believed she was someone with a narcissistic personality disorder; she thought she was selfish, conceited, and self-centered. But we all remained loyal to her; we all stayed by her side because only we saw the selflessness in her.
And that's what made her beautiful in my eyes. She had a real heart and she didn't know it. Her real beauty was from within and she didn't see it.
I did.
Dumating ako sa puntong napalitan ang pangarap kong maging doktor ng pangarap na maging doktor niya. I did my best to learn, simply because I wanted to be the best for her.
The only reason now that I wanted to be a doctor was because I wanted to cure her. I wanted to protect her. I wanted to free her from that curse. I wanted to erase all her pain.
Dahil kapag nakikita ko siyang nasasaktan ay doble pa niyon ang nadarama ko.
Because maybe... Just maybe... I loved her.
BINABASA MO ANG
The Heartless (Original Version)
Science FictionSnow could have simply chosen to die when everything was taken away from her. No, she was already dead. But her heart was taken and she lived. She lived even though she didn't want to, even though she didn't know how to. But there's one thing that s...