Chapter IX: Phantom Part 2

1.8K 35 0
                                    

"How are you keeping up?" usisa ko habang nakahilig sa likod ng inuupuan ni AC. Kauuwi lang nila kaninang madaling araw at dinaanan ko sila sa hideout para kumustahin.

"Halfway there. Tinitignan ko pa rin kung may formula ba yung coding ng geographic areas o merong database na naglalaman ng codes assigned per area. They don't use zip codes like I predicted. Yun na lang ang kailangan kong malaman."

Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. Tumingin ako sa sofa sa gilid niya kung saan mahimbing na natutulog si Charm at saka palang lumabas ng kanyang lab. Naabutan kong concentrated na nag-uusap usap sina Lulu, Tempest at Era. They're working on our plan to capture my new spy.

I can see Lulu and Tempest are really into it because they're excited of the upcoming torture. That is their forte anyway.

"How's it?"

"Almost done," sagot ni Era nang hindi nag-aangat ng tingin sakin. "We're working extra on your safety since Moon is not around anymore." Nag-angat na rin siya ng tingin sakin. "Where is she anyway?"

"Not here," simpleng sagot ko.

Hindi siya nakuntento sa sagot ko pero hindi na siya nagtanong pa. "We're on shortage for lookouts. It'd be better if AC can already run the EE but she can't so..." May binilugan siyang building sa mapa na tinititigan nilang tatlo. "Best plan now is if Pain stays here," may nilagyan siya ng ekis na building, "Death stands by from here," nag-drawing siya ng broken line mula sa ekis patungo sa kalsada hanggang sa may bilugan siya ulit na building sa kasunod na kanto, "to here," at saka siya may binilugan na malaking area, "while I patrol here double time."

Tumango-tango lang ang dalawang maingat na nakikinig kay Era.

"So what am I gonna do?" I queried.

Napatingin siya sakin nang may naglalarong ngiti sa mga labi, "You, Heartless, will of course gonna play."

**

I wore my backpack today. At ayon sa plano, naglakad ako papasok. In-adjust ko saglit ang "hikaw" ko na siyang camouflage ng earpiece na gawa ni The Alchemist. Because cellphone is too much of a risk, Fearless decided we use the earpieces today.

"On position," ani Fearless.

Game on.

Nagsimula akong tahakin ang daan patungong university, ang dalawang kamay ay nakahawak sa magkabilang straps ng bag ko. Sa unang dalawang street na nadaanan ko ay naging tahimik ang linya.

Pagliko sa kanto ay napatingin ako sa gilid ko kung saan matatagpuan ang isang pet shop. Makikita mula sa labas ang loob dahil salamin lamang ang harang noon. Iginala ko ang paningin ko mula sa mga aso patungo sa mga pusang iba't-iba ang kulay at laki. Dati na kong nagkapusa na namatay dahil naihagis ni Tempest sa rooftop. That bloody Tempest. I made a mental note na papalitan sa kanya yung pusa ko.

Nang nagsimula na kong maglakad ulit ay saktong may nagsalita ulit sa linya. "Target spotted," ani Fearless. "He's a hundred meters away from you. On foot."

Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko habang nakikinig sa linya.

"Spotted," maya't-maya'y sambit na ni Pain.

Malapit na ko sa school nang magsalita naman si Death, "Spotted."

"Code," mahina kong utos.

"Yellow. He's just following you. For now."

Nang matanaw ko na ang school namin ay nagsalita ulit si Fearless. "On my position now. Death, Pain, be ready to take over."

"Roger!" sabay na sagot ng dalawa.

The Heartless (Original Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon