Vol. 2, Ch. 2: Lark

1.4K 25 6
                                    

Volume 2, Chapter 2: Lark

I was not a princess in a fairy tale. My world was not a kingdom filled with white horses. I was Heartless, queen.

And more importantly, Colden wasn't my king. I was in a war, alone and invincible.

This wasn't a love story wherein I was a typical princess destined to be saved by a prince. War, all it was. I was living in the midst of a war where there existed no heroism and salvation, just pure bloodshed and more bloodbath.

It was a battlefield.

Alertong-alertong nakakapit sa damit ko ang hawak ko sa kanang kamay na si Hershey. Ang kaliwa ko ay abala sa pagkapit sa sanga ng kalapit na puno.

This wasn't the kind of situation wherein I would go all girly and scaredy cat. Marami akong posibilidad na maaaring pagpilian—mga napakapayak na posibilidad.

Una, pwede kong ikapit muna nang walang kapawis-pawis ang mga paa ko sa sanga na pinanglalambitinan ko at saka ako dahan-dahang bumaba. Pangalawa, kayang-kaya kong umikot na gaya ng sa gymnastic bar para makabwelo sa pagtalon patungo sa pangatlong palapag. (Iyong sangang nakapitan ko ay nasa  medyo gawing baba ng fourth floor kaya kung tatalon ako ay sa third ang pinakamagandang mapagbabagsakan.) Pangatlo, I could just easily climb down like a monkey. No biggie.

At pang-apat at pinakasimple sa lahat, just jump down. I could survive a jump from a third floor. One thing about me was, my feet were my strength. May dahilan kung bakit na-develop ang balakang at puwetan ko nang ganito ka-muscled at firm. Kicking was my forte. My legs were the most powerful part of my body, physically speaking.

Nung mga panahong nasa Japan pa rin kasi ako ay sa isang matarik na bundok kami nanirahan ng ama ko pagkatapos ng ginawang pagtakas... Dun pa lang ay sinanay na ko ni Otou-san. Of course, running was a basic lesson. And running in that bloody mountain was the hardest training for me. It gave me pure hell. Just reminiscing any one of those days when I got countless injuries running would make me cringe in agony.

Yet now, it provided me with an advantage. So efforts paid off. I could jump down from a high structure and actually survive. My strong limbs allowed me to land on my too feet resolutely.

Napasinghap ako nang naramdaman ko ang mainit na hininga sa batok ko. Hindi pa man rumerehistro sa isip ko ang biglaang paglundo ng sangang kinakapitan ay may matatag na braso na'ng humapit sa baywang ko at hinila ko palapit pa sa katawan ng puno.

Sumubsob ang buong katawan ko sa isang matigas ngunit mainit at may kalambutang pader.

Ang pamilyar na amoy ang nagpatanto saking hindi pader ang kinasubsuban ko kundi ang dibdib ni Colden. Nag-angat ako ng paningin at panibagong mukha niya ang natagpuan ko.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi ko nadama ang kapahamakang dala niya. Hindi kababakasan ng kahit kaunting pagngisi ang kanyang mga labi at hindi delikado kung makatingin ang kanyang mga mata.

Masyado akong nagulat kaya ni hindi ko manlang tuloy mabasa kung ano'ng nasa isip niya.

"You okay?" tanong niya sa malalim na boses, ang isang kamay ay nakahapit pa rin sa baywang ko at ang isa naman ay nakakapit sa sanga para sa balanse.

Magkahinang lang ang mga mata namin nang naramdaman kong bahagyang gumalaw si Hershey sa gilid ko. Nung hinapit ako ni Colden ay nabitawan ng kaliwa ko yung pagkakapit sa sanga at napakapit sa braso niya. Ang yakap ko naman kaninang si Hershey ay awtomatikong naiiwas ko sa pagsalpok kanina sa 'pader' at dala na siguro ng instinct ay nailagay ko sa tagliran ko para hindi maipit.

Dinalaw ko ng nag-aalalang tingin ang pusa ko. Gaya ng madalas nitong ginagawa ay ginaya nito ang ginawa ko. Kumapit din sakin nang mas mahigpit at nalilitong tiningala ako.

The Heartless (Original Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon