Chapter X: Darke Part 5

1.3K 25 7
                                    

Nahigit and hininga ko sa unang kurap ni Chase. Simpleng galaw, walang tunog, ngunit napakalakas ng epekto sakin.

Hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang nagseryoso. Pero ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang hindi nakangiti. Nakakapanibago na walang eye bags at dimples at ilang pang linyang lumalabas sa makinis niyang mukha.

The intensity of his stare pulled me in I had no choice but to stare back. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ngayon ko lang na-appreciate ang mukha niya.

Halos manliit ako sa haba ng pilikmata niya. Sumagi sa isip ko na makipagpalit sa kanya ng kilay. Hindi rin masama na magkaroon ako ng ilong na tulad ng sa kanya. May nunal siya sa gawing baba. Pansinin iyon lalo na't palangiti pa siya. Kaya madalas ay sa bibig niya unang tumitingin ang mga tao. Maangkin ko rin kaya ang labi niya?

Muntik na 'kong masamid. Nabalik ang ikot ng pag-iisip ko sa unang hiling ko, na sana si Col na lang ang nakasalubong ko ngayon. Hindi si Chase. Nang hindi ako naiirita sa discomfort na unti-unting kumakalat sa kalamnan ko. Nang hindi ako naiilang sa tumatagos niyang tingin. Nang hindi ganitong nangangati akong hawakan ang batok ko dahil sa mga balahibong nagsisitayuan doon. Sana si Col na lang ang andito.

Naglakas-loob akong suklian ang atensyon na ibinibigay ng mga mata niya. Ngunit tila napaso, napaiwas ng naman ako ng paningin nang mapagtantong parang dumoble pa ang intensidad ng kanyang pagtitig. Kinilabutan ang buong katawan ko dahilan para hawiin ng kaliwang kamay ko ang mga nakawalang hibla ng buhok ko sa kaliwang tainga.

Pakiramdam ko ay may nagawa akong kasalanan sa kanya-sa kaibigan niya.

"Hindi ko alam kung ano'ng nagawa sayo ni Cecilia. Pero sana hindi mo ginawa yun! Tinulungan ka niya, 'di ba?"

"E ano naman sayo?" ganti ko, na hindi alam kung pano ako nagkalakas-loob na sabihin.

"Ano'ng problema mo?" pangahas niya.

I flinched at his four-word question. He wasn't just staring at me now with a savage intensity. He was frowning at me. Bakit ba? Ano ba niya yung Labios na yun para ikagalit niya nang ganito? Kaibigan niya lang naman yun... di ba?

At... ang problema ko? Ano nga ba'ng problema ko? Si Labios. Tama. Si Maria Cecilia Labios. Kasi... Kasi... Nakakainis kasi siya. Nakakainis talaga.

Nagpakawala si Chase ng hininga na parang nag-aalis ng tensyon sa katawan. Nang kalmado na ay, "Snow..."

Hinintay ko ang sasabihin niya. Sorry? Okay, dapat lang. Sumosobra na siya.

"Snow, I-I'm..."

Hinintay ko lang ang sorry niya. At pagkatapos nun ay sisiguruhin kong mahihirapan siya. Pahihirapan ko siya nang husto bago kami muling magkaayos.

Nagsimula siya nang mabagal, "Snow, I just want Cecilia..."

Pinigilan ko ang mga mata kong manlaki.

What?!

"I want Cecilia and you..."

Isang maling salita mo pa, Chase, I swear I'm going to kill you.

"Um, to be friends. Or at least be okay." He took a step closer. "Be okay, all right? Tell her you're sorry and you weren't serious when you-"

"Tell her what?" Hindi makapaniwalang bulalas ko na pumutol sa kahangalan niya. "You are so fu-" I bit my lower lip to calm my mouth, "-stupid!"

He was taken aback. Nabawasan ang pagwawala ng mga nagagalit na demonyo sa ulo ko nang narinig ko siyang suminghap. Natakot ko ba siya? Hindi ko naman sinasadya.

The Heartless (Original Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon