Vol. 2, Ch. 9: Montreal

1.3K 31 24
                                    

Volume 2, Chapter 9: Montreal

Kol and Winter: all four. Ito na dapat ang iniisip ko sa ngayon ngunit naging palaisipan lang sakin ang "melons" sa sumunod na mga oras.

What did he meant by that? Was that some kind of a witty remark? A joke out of my league? Perverted thing?

"Hello, Snow. How's it going?" Masaya ang boses ni Lulu sa kabilang linya.

"Lulu, what does 'melons' mean?"

"Huh? Melons? Prutas? Hindi mo ba alam iyon?"

Tiniis ko ang insulto para lang mapawi ang kuryosidad ko nang tuluyan. "Colden said I have no melons. What does it mean?"

There was a pause then...

Guffaws.

Nilayo ko ang phone sa tainga ko. Mahigit tatlong minuto siyang parang kinikiliti sa kabilang linya. I was starting to think she was with a guy when she finally calmed down. "He said that to you?!" she asked, clearly amused.

"Oo. Bakit? What did I miss?" I frowned. Tumawa siya. So joke pala iyon.

"Bewbs, Snow. Melons equal tits. As in bewbs."

Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko at pakiramdam ko'y puputok na ang mga ugat ko sa noo. "That. Montreal." I said through gritted teeth.

She chuckled, then, "Make him pay, Winter Snow. I saved that best for last."

I ended the call. Wala akong ideya kung ano ang huling damit na hinanda ni Lulu para sa photoshoot na 'to.

But I knew for certain it would make him pay.

**

Hindi pa 'ko naniniwala noong una. Iyon bang ngayon lang talaga tumanim sa isipan ko ito.

Tinulak ko ang nakabukas nang pinto patungong rooftop ng two-storey apartment ng boyfriend ni Sebastian. Hindi ko na kailangan pang hanapin ang mga mata ni Colden dahil ang mga 'yon agad ang tumambad sakin.

Ang onti-onting pagkalaglag ng kanyang panga ay ang siya namang dahan-dahan ko ring pagngisi. All five na tayo ngayon; pa'no ba yan?

For once, he just looked at me with nothing but surprise in his eyes.

Naghinang ang mga mata namin hanggang sa mapalitan ang mukha niya ng mukha ni Sebastian.

"What. The. Hell?" Tumambad ang mga nanlalaking mata at nakangangang bibig ni Sebastian para harangan nang tuluyan si Colden sa paningin ko.

"Enjoying the view?" tukso ko sa malamya pa ring boses. Napasama ata na binasa ko ang buhok ko para rito.


I know damn too well how very unaware you are of your own assets, Snow. Well let me be the best of friend to you.

It's your freaking face. Yeah, trust me. Just your face--no make up, no shits. Just your face. F-A-C-E.

Wear this together with your favorite wet look. IYKWIM.

Also, I added some 'reinforcements'! Xoxo

You're welcome,

Sexy Lulu


Iyon mismo ang nakalagay sa note ng huling outfit ko ngayong araw. So I took my time in the bathroom obliging to her crystal clear instruction.

"Can't I just have you as my own model?" wala sa sariling saad ni Sebastian habang tulala pa rin sa'kin.

I smirked. "You might not be able to afford me." At pumwesto na agad ako sa nag-iisang stool na alam kong inilagay doon para talaga sakin; nakita ko kasing background niyon iyong walang pinturang dingding at pinapagitnaan yun ng dalawang umbrella-style reflectors.

The Heartless (Original Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon