NAGLALAKAD AKO PAPUNTA sa room nang may ngisi sa mga labi ko. Napailing na lang ako. Pag kasi hindi ako nakangisi o kung ano pa man, promise, mukha talaga akong anghel na sobrang bait at inosente. Alam ko yan dahil sa ilang taon ba naman na natitigan ko na ang sarili ko sa salamin. I think, it has something to do with the structure of my eyes. Kaya nga simpleng ngiti ko lang e mukha akong inosente talaga. Pati ako namamangha kung gaano kasinungaling yung mukha ko sa totoong pagkatao ko.
"Good morning!" narinig kong bati ng isa sa mga estudyanteng naglalakad sa paligid ko na tatawagin ko sa pangalang Chase.
Lumingon ako sa kanya, "Sayo rin," simpleng pagbabalik-bati ko sa kanya.
"Hatid na kita sa room niyo," alok niya na sinagot ko ng 'Ano ako? Bata!?' sa isip ko. Pero dahil tinatamad ako, 'okay' na lang ang sinabi ko.
"San ka nga pala nag-aral ng taekwondo? Ang lakas mong sumipa e," bigla niyang pag-o-open-up ng topic.
"Wala sa school yun," cold kong sabi.
"Um, kung sabagay; asa estudyante talaga yun kung nagtitiyaga siyang mag-aral mabuti. Anyways, gusto mong sumali sa martial arts club? Ire-recommend kita kay Coach!" puno ng pag-asang tanong niya.
"Ayoko. Sakit sa katawan," bored kong sagot. Di ko siya tinitingnan, binabase ko lang sa tono ng boses niya yung posibleng reaksiyon ng mukha niya.
"Sige na. Masaya dun. Bukod sa matututo ka pa lalo. Pwede ka pang lumaban sa ibang schools. Malay mo ikaw na yung makapagpanalo sa LU sa National's!"
'Baka nga mapatay ko pa yung mga makakalaban ko sa International's eh,' nagmamayabang kong naisip.
"Ayaw. Magkakapasa lang ako. At saka nag-aral lang naman ako nun for self-defense," alibi ko.
"Aw. Sayang naman. Pero kung magbago isip mo sabihin mo na lang sakin ha?"
"'K."
"Bakit nga pala di ka manlang nagre-reply sa mga text ko? Baka mali yung number na naibigay mo sakin?" bigla niyang pagbabago sa topic.
"Hindi. Busy lang ako," medyo pampalubag ng loob (at pampaasa) na katwiran ko pero ang totoo niya'y tinatamad lang akong i-text siya.
"Saan naman?"
"Sa pagtitig sa salamin."
Bigla siyang humagalpak sa kakatawa. Hindi ko alam kung magaling ba kong joker o mga slow lang sila para di malaman na lahat ng sinasabi ko e pawang katotohan lamang at sarili ko lang ang kinikilingan.
"Buti hindi nababasag," matawa-tawa niya pang biro.
Na hindi naman biro ang dating sakin kaya napatingin ako sa kanya ng masama.
"Masyado akong maganda para mag-crack man lang yun," sabi ko sa kanya.
Tumigil siya bigla sa kakatawa at naging seryoso ang mukha. Tumingin siya nang diretso sa mata ko.
Ngumiti siya at di lumagpas sa mga mata ko ang nakitang pagka-genuine sa mga ngiti na yun. "Tama ka. Sobra-sobra mong ganda."
Napatitig ako sa kanya. At pakiramdam ko eto ang unang pagkakataon na nasabihan ako ng maganda. Maganda hindi sa panglabas lamang na anyo kundi pati na rin sa pinakaibuturan ng aking gawa sa metal na puso.
Nakikita ko kasi sa mga mata niya ang paggiging honest, sincere, genuine, true, real, factual, o kung anumang tawag pa man dun. Basta hindi siya nagsisinungaling nang sinabi niya saking maganda ako. Dahil pati mismo mga mata niya'y isinisigaw sakin ang mga salitang iyon. 'Maganda ka,' damang dama ko na ipinapahiwatig iyon ng mga mata niya.
BINABASA MO ANG
The Heartless (Original Version)
Bilim KurguSnow could have simply chosen to die when everything was taken away from her. No, she was already dead. But her heart was taken and she lived. She lived even though she didn't want to, even though she didn't know how to. But there's one thing that s...