Final Volume, Heartbeat 14: Fearless
Tunog ng sinaradong pinto ang humila sa akin mula sa walang hanggang pagtakbo sa konkretong tulay. Dumilat ako at tuluyan nang nakawala sa walang kabuhay-buhay kong panaginip. Ang malayang paghaplos ng lamig sa aking balat ang una kong naramdaman.
Matapos ay ang bigat ng aking mga mata dahil sa pagtulog.
"AC," sambit ni Moon kay Charm na nakaupo sa dulo ng higaan ko.
Agad na rumehistro sa isipan kong wala na kami sa isla ko. Wala na kami sa natatanging paraiso. Nandito na kami ngayon sa kwarto ko, sa bahay ko. Mababa agad ang aking enerhiya dahil parang ang ibig sabihin ng pag-uwi rito ay ang pagbabalik din sa tunay na mundo.
Tapos na ang mga maliligayang araw ko.
Lumabas si Charm para siguro tawagin si AC.
"Ga'no katagal akong nakatulog?" paos kong usisa. Pinikit-pikit ko ang mabibigat kong mga mata. Mapadilat man o sarado rito ay hindi pa rin kumportable. Hula ko ay namumugto na ang mga iyon.
"A day," sagot niya na ikinagitla ko. "And a half," dagdag niya na nagpagising sa buong katawan ko.
"Ano?!"
"Uminom ka muna ng gamot bago kumain," abot niya sa akin ng gamot at tubig.
Napatingin ako sa ibinigay niyang tableta. Iyon ang pain killer na ginawa ni AC para sa akin. Nalaman ko na agad ang ibig niyang sabihin.
Hindi malayong maulit ang pag-atake ng sakit ko na kasing grabe ng sa huling beses. Kailangan ko nang uminom agad dahil baka himatayin na naman ako sa sobrang sakit.
Dinampi ko ang palad ko sa aking kaliwang dibdib. Napangiti ako nang mapakla. Nakakabaliw na napakakalmante at normal ng pagtibok ng puso kong metal gayong alam kong anumang oras ay pwede naman na 'kong mamatay.
Sa uhaw ay alam ko na agad na mauubos ko iyong isang basong tubig. Habang umiinom ay dumating si AC. May benda siya sa isang sentido.
"How are you feeling, Snow?" bungad niya hindi pa man tuluyang nakakalapit sa akin. "Get her food," utos niya kay Charm bago ako lapitan.
Walang paalam niyang nilakihan ang buka ng mga mata ko at inilawan gamit ang tanan niyang maliit na flashlight. Kinuha niya ang kamay ko at tinitigang mabuti ang aking balat sa braso, o ugat—hindi ako sigurado kung alin du'n ang tinitingnan niya.
Sa sobrang intensidad ng kanyang seryosong titig ay nabatid ko na agad na hindi na biro ito. Hindi na dapat maliitin pa ang kalagayan ko. Nasusupil na ang kalusugan ko. Hindi pwedeng ipagwalang-bahala lang ang nangyari sa akin.
Bago ako nagsimulang tanungin siya ay inuna ko muna ang mas madaling pag-usapan, kaya si Moon ang nilingon ko.
"Where have you been? I seriously thought Ash killed you," I accused more than asked. "What the hell happened to you?"
Binawi niya ang panunuod sa mga ginagawa sa akin ni AC. At saka ako sinagot. "Jumong happened. Susundan na sana kita sa gubat kaso minalas akong nakasalubong si Jumong. I had to run for it." Her faint smile didn't touch her eyes.
"Bakit wala akong narinig?"
"Ididirekta ko ba naman 'yung pusa sa'yo? Niligaw ko muna siya sa ibang direksyon. Saka kita binalikan."
Tumango ako at inalala ang huling beses na nagkita kami ni Jumong. She was a white tiger with black stripes and olive green eyes. She reminded us of Mirana's Frostsaber in DotA. One day Tempest called her Jumong, and so we named her Jumong. The giant cat had been living a solitary wild life in my island for I didn't know how long. We of course preserved her; she's a rare beauty.
BINABASA MO ANG
The Heartless (Original Version)
Science FictionSnow could have simply chosen to die when everything was taken away from her. No, she was already dead. But her heart was taken and she lived. She lived even though she didn't want to, even though she didn't know how to. But there's one thing that s...