Chapter V: Winter Part 2

2.6K 70 1
                                    

WITH VERY SWIFT movement, I placed my left hand in a vertical position on the man's throat and jabbed my hand with the other causing a sudden and painful impact on his throat. That did it. He died in front me; he's the fifteenth one I killed so far this day-and maybe the last.

Naramdaman ko na naman ang vibration ng cell phone ko na asa bulsa ng jeans ko, kinuha ko iyon at nakitang tinatawagan ako ni Lulu. Sinagot ko at saka sinabing papunta na ko sa bar na sinasabi niya. Sa 360 Degree's sana kami pupunta pero lumipat daw sila sa ibang bar...

"Stoneheart?" narinig kong tawag sakin ni Cent mula sa likod. Kung ibang tao ang makakarinig ay paos ang magiging dating ng boses niya. Ngunit alam ko na sadyang may kahirapan lang sa pagsasalita si Cent. Sa mga ganitong sitwasyon ay nakakapagsalita pa siya. Ngunit gaya nung nakaraang mahaba ang sinabi niya ay madalas lang siyang nagsa-sign language na naiintindihan namin sa tulong ni AC.

Nilingon ko siya, "Let's go, Frost. I think we're done here," I ordered.

Tumango siya bilang tugon.

Umuwi muna ko sa bahay, inangkas lang ako ni Frost sa motor niya para maihatid dito. I went up immediately to my room to take a shower. Nang hinubad ko yung face mask ko-simula nang nagsimula na ang plano ay nagsusuot na ko nito para hindi ako makilala ng Phantoms kung sakali man-napansin kong may talsik ito ng dugo. Maybe dugo ng isa sa mga nakasagupa namin kanina, I thought.

"Moon," I quietly said.

Wala pang isang minuto ay narinig ko ang pagbukas ng bintana ko habang naghuhubad na rin ako.

"May bloodstains rin sa likod ng shirt mo," sabi ni Moon.

"Thanks, Moon," sabi ko lang bago pumasok sa bathroom ko.

"You're always welcome, Yuki," narinig ko pang sagot niya.

Nakapasok na ko nang may maalala ako. "Oh, Moon?" sabi ko pagkasilip sa pinto.

"Ano yun?" she gently asked.

"Pakisabi nga pala kila AC na mag-conduct sila ng random killing every night-"

"No need," putol niya sa sinasabi ko.

"Ha?"

"Nag-start na sila sa random killing just a week after your last formal meeting. May naka-assign pa nga sa kanilang araw e kung kailan sila papatay," fond explanation niya.

We smirked at each other. "Typical Slayers," I said before proceding to taking a nice cold shower.

***

NANDITO ako ngayon sa Coastal Bar. As expected, nagpapaka-wild na si Lulu sa dance floor at wala nang bakas si Tempest-may kasama na siguro ngayon yun na lalaking sasadistahin lang niya hanggang sa mamatay sa madugong paraan. I wore a simple pair of clothes-a sleeveless blouse and a quite decent skirt-and a very simple pair of boots. Nakuntento na ko sa pagsusuklay lang, hindi ako nandito para magpaganda.

Pumuwesto ako sa di mataong lugar; kaya eto ako, nakaupo sa bar stool sa pinakadulo na tila isang antisocial na nilalang. May walong baso ng kung anu-anong alkohol yung asa tapat kong counter top: mga libre ng kung sinu-sinong lalaki. Siyempre, ayokong inumin, baka kung ano pa'ng nilagay nila diyan. I just stick to the drinks I order for myself.

Umikot ako para tignan si Lulu sa dance floor pero bago pa man ako makatingin sa kanya, nakilala ko yung pamilyar na lalaki na lumalapit sa kanya: si Ice. Clenched fist itong naglo-long strides papunta sa kanya na para bang galit na galit. Then the moment na nakalapit ito ay hinapit niya si Lulu sa baywang sabay bigay ng malalam na halik. Gross.

Napataas ang dalawang kilay ko as realization hit me, this man is really into her just as I thought.

I know Lulu, she would definitely play with any man like him; and so she did on our first day in school. But I also know Ice-or his casanova thingy. So I whispered a question-more like a guess-to Lulu earlier this lunch time at the cafeteria; "He seems like he wants more from you. Smitten, I guess?" I asked then she laughed and said yes. Kaya naman matawa-tawa pa siya kanina bago tuluyang umalis. So vain of her.

The Heartless (Original Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon