Napapapalo-palo ako ng balakang sa magkabilang gilid habang tinatahak ang magarbong living room ng isang Autumn Cayari. Hindi ko maalis ang ngisi ko simula pa kaninang inihatid ako ni Colden dito.
"Ipapakuha ko sa maid yung mga uniform ko. Maupo ka muna dito, Snow."
Agad kong napagtanto ang pagbabago sa kanya. Iyon ang una niyang sinabi sakin mula nung huli naming pagkikita nung Sabado subalit alam ko na agad na may pagkakaiba, hindi ko nga lang ma-pin-point kung ano yun.
Sinulyapan ko iyong nilalahad niya saking pwesto sa couch nila. "Ang ganda ng bahay niyo. Gusto kong magtingin-tingin," pambabaliwala ko sa alok niya.
"Sige. Gusto mo ba ng maiinom?"
Mas lumawak ang ngisi ko. "Actually, hindi pa ko nagdi-dinner. Gusto ko sana ng seafood. Yung specialty ng Chef niyo." I just guessed that they do have a Chef.
Ngumiti siya nang tipid. "Okay. Si Chef Rodrigo ang magaling dyan. Magaling sa Pinoy dishes yung pastry chef namin; may gusto ka pa bang iba? Sinigang?"
Napanguso ako sa nalamang hindi lang pala isa ang meron silang chef.
"Seafood lang ako. Tapos tutal pastry chef naman siya, gusto ko rin ng blueberry cheesecake," sarkastiko ngunit may pagkaseryoso kong hiling.
Tumango lang siya at nagbigay ng nag-uutos na tingin sa nakabantay saming isang katulong. Umalis agad yung katulong patungo sa tingin ko ay kusina nila. Napakurap ako nang may lumapit ulit na isang katulong at iyon naman ang nagbabantay samin ngayon.
Nice crib. Ikokomento ko sana nang dumating na ang inaasahan kong mensahe mula kay Lark.
__________
From: Lark
I never saw it but I'm pretty sure it's just in her room.
__________
Binura ko agad ang mensahe niya at ibinalik ang atensyon kay Autumn na ngayon ay sinusuyod ng tingin yung apat na unipormeng kinuha ng isang katulong niya. Pumili siya ng isa.
"Eto yung pinakabago. Isukat mo tapos ipapa-adjust ko na lang yung size sa mananahi namin."
Tinanggap ko yung hanger na pinaglalagyan ng isang pares. May mga nakausli pang sinulid dun kung kaya't hindi ko naiwasang pansinin, "Bago? Bakit kadami mong pagawa? Nakikipagbugbugan ka ba at madalas masira yung damit mo?"
Napakurap siya na tila hindi inaasahan ang winika ko. I must have caught her off guard. I laughed inwardly, Hit the bull's eye, did I, Crimson?
It didn't surprise me when she managed to recover effortlessly. "Sewing is just one of my hobbies," she smiled her gentle smile. I thought the reason she was able to lie straight in my face was because what she said wasn't entirely a lie. Just a... half truth.
Iginiya ako ng isang katulong sa cr upang isukat iyong uniporme. Habang papalayo ako kay Autumn ay nakita kong may panibagong katulong na naman ang lumapit sa kanya.
Saglit tuloy na sumagi sa isip ko ang pagtataka. Halos isubo na sa kanya ang pagkain dito sa bahay nila, ngunit bakit tila isa siyang PA ni Colden kung umasta siya sa school? A very little part of me replied that maybe she's indeed into him. But the rational part of me rebutted that maybe there's just more power to the name Colden Montreal than I could ever imagine.
Pumasok ako sa silid at agad na nag-iwas ng tingin sa painting na tumambad sakin at umaktong normal.
Lumabas ako suot ang uniporme. Nakatanggap muli ako ng text ni Lark na nagsasabi kung saang mga bahagi ng bahay may nakakubling CCTV camera.
BINABASA MO ANG
The Heartless (Original Version)
Science FictionSnow could have simply chosen to die when everything was taken away from her. No, she was already dead. But her heart was taken and she lived. She lived even though she didn't want to, even though she didn't know how to. But there's one thing that s...