Chapter VII: Snow Part 2

2K 33 0
                                    

"Operation Martin Lao Silva underworld affair watch has commenced," saad ko sa business-like kong boses habang nagko-call conference kami ng Slayers.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago ko binaba ang tawag. Nag-usap kami tungkol sa panibagong approach na gagawin namin ngayong buwan.

Kinakailangan naming mamuhay ng "normal". Ang ibig sabihi'y gagawin namin ang dati naming ginagawa bago pa man namin matagpuan ang Phantoms. Makikisabak kami sa underworld affairs.

May mga pulitiko na kaming nakontak-ang iba sa kanila ay nakatransaksyon na namin dati o di kaya'y kakilala lang ng mga iyon-at may iilang misyon na ang naibigay samin. May natanggap na rin kaming negosasyon sa ibang contacts pa at sila Era at AC na ang bahala doon. Isa na roon ang may kinalaman sa mga armas na nabili namin nang palihim mula sa mga prodyuser at ibebenta naman sa mas malaking halaga.

Ngunit sa ngayon ay si Silva and target namin. Ito ang magiging kauna-unahang malakigang operasyon namin, o ang pinakamahirap.

Hindi to katulad ng iba naming gawain. Kung dati ay ipapadala lang si Tamar o Moon para mag-ispiya at isa samin ang susugod o gagalaw para isagawa ang nabuong plano lang ang sistema, ngayon ay ibang-iba na.

Malaking kawalan samin si Tamar, kung iisipin ngayon ay mas magaling pa nga siyang spy kay Moon. Ipinilig ko ang aking ulo, hindi. Hindi pwedeng ikumpara si North kay Moon kung gayong magkaiba naman silang dalawa. Si Moon ay abala sakin, ang mga pangangailangan ko ang tinututukan niya at ang mga maaaring maging kapamahakan ko ang pinapanuod niya. Ang bawat galaw ko ang sinusundan niya kasabay ng pagsunod din sa ibang taong nakapaligid sakin. Samantalang si North naman ay walang commitment, walang inaalala kundi ang sariling trabaho lamang.

Magkalayo ang sakop ng kanilang trabaho, hindi sila maaring pagkumparahin. Anumang mangyari, parehas silang malaking kawalan sa grupo kung sakali man. Parehas silang malaking kawalan sakin.

Ibinaling ko ang isip kay Silva. Isa siyang... kakaibang tao. Bukod sa halatang delikado at protektado siyang tao ay mukha siyang matalino. Ayon sa paunang background check na ginawa nila AC ay isa lang siyang successful Chinese-Filipino business man na maraming kaibigan at kamag-anak sa pulitiko at negosyo kaya maraming koneksyon.

Masyadong normal, malinis at maayos ang record niya kung kaya't mas lalo siyang kahina-hinala. Mahirap mangalap ng iba pang impormasyon ukol sa kanya dahil hindi basta-basta nadadala sa pera ang mga tao niya. Makapangyarihan siya kaya malaki ang takot ng mga ito sa kanya.

Hind rin naman namin pwedeng daanin sa dahas dahil masyado nga siyang matalino at maaring una niya kaming mahuli kesa kami ang makahuli sa kanya.

At higit sa lahat, hindi pa kami sigurado kung ano ang meron siya na pwede naming pakinabangan. Mukha kasing napakaimportante niyang tao at nais kong alamin kung ano ang pwede naming makuha sa kanya.

Minasahe ko ang sentido ko. Mahirap nga pala talaga ito. Mahirap siya. Mahirap kapag wala kang kaalam-alam sa kalaban mo, ni hindi mo alam kung kalaban nga ba talaga siya.

Nag-text ako kay AC:

__________

To: Amethyst Chrysanthemum

Local intelligence. You, Moon and Fearless.

__________

Nag-reply siya ng "Okay."

Ang parehas na panturo ng orasan na nakaturo sa taas ang naghudyat sakin na saktong alas dose na ng hatinggabi. Kasabay ng paggiging aware sa oras ay ang paghikab ko. Masyado akong naging absorbed sa pag-iisip kaya hindi ko na namalayan pala ang oras. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harap ng vanity mirror nang natigilan ako nang maaninag sa salamin ang clay na nasa harap ko rin pala ngunit nawala sa loob ko.

The Heartless (Original Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon