Ix. How to Seduce Ryder
Refer to Chapter IV: Patience Part 1. Eto 'yung part na pagkatapos mag-shower ni Snow, naramdaman niya ang presensya ni Lark sa likod niya.
So, yes! Ito na ang sagot sa mga nagtataka kung ano'ng ginawa ni Snow at nakatakas siya kay Lark sa stalemate move nito! Hahaha.
Lagpas na ng hating-gabi at nandito ako ngayon sa "private office" ni Darke sa "exclusive condo" ng "dad" niya. Monté Royal Condotel.
"Ryder," nakangiting pagtawag niya sa'kin na ipinahihiwatig na sabihin ko na ang resulta ng misyon ko.
Napalunok naman ako pagkakita sa mukha niya. Nakangiti siya at ang mga mata niya'y blangkong nakatingin sakin. Kami na mga kapwa niya gangsters lang ang nakakaalam ng kung ano ang nasa likod ng mga mata at ngiti niyang iyon.
Ang mga mata niya, malamig pero sa likod nu'n ay ang walang kasing sama niyang hangarin.
Ang mga ngiti niya, panakip-butas niya sa mga mata niya. Pero ang totoong ibig sabihin nu'n ay nakakaramdam siya ng pagkaangat sa lahat.
Na siyang totoo naman dahil kaya niya kaming kontrolin lahat. Kaya niya kaming takutin, manipulahin, at patayin.
"Negative," simpleng sabi ko.
Lalong lumawak ang ngiti niya sakin. Kung isang babae siguro ang makakakita nu'y kikiligin pa. Pero dahil ako na siyang mas nakakakilala sa kanya ang nakakita, lalo lang akong natakot sa kanya.
"What happened?" tanong niya.
"Ni hindi niya manlang ako naramdaman." Napalunok na naman ako.
Tumaas ang isang kilay niya pero ganun pa rin ang ekspresyon ng mukha. "What made you think so?"
"Naghubad siya sa harapan ko," namumulang sagot ko habang pilit na iniwas 'yung tingin ko sa kanya. "Kaya 'di ko na rin siya sinubukang atakihin," dagdag ko pa.
Natahimik siya nang medyo matagal kaya naman binalik ko na ulit 'yung tingin ko sa kanya. Nakangiti pa rin siya at nakatitig sakin.
"A-ano yun?" nauutal na tanong ko.
"Nagkita na ba kayo kaninang maga?" kalmado lang niyang tanong.
"H-ha? Oo. Classmate ko siya," nagtatakong sagot ko sa tanong niya.
Bago pa siya makapagsalita ulit, dumating na 'yung inaabangan niyang "business meeting."
Tinitigan ko lang ang limang armadong lalaki na kaladkarin papasok ang sampung dalagitang pawang nakapiring ang mga mata, nakatali sa likod ang mga kamay, at magkakadugtong ang tali sa mga paa.
Napabuntung-hininga na lang ako sa loob-loob ko. Bakit ito pa ang "business meeting" na kailangan kong maabutan? Sa lahat ng "business branches" na meron ang "company" ng "dad" ni Darke, eto ang ayaw ko—human trafficking. Buti sana kung kidnapping na lang, at least may future pa 'yung mga inosenteng babaeng ito. Pero hindi, e, nagpapadukot siya ng mga dalagita at dinodroga para gawing comfort women at pagkatapos ay papatayin na lang pag 'di na mabenta.
"Boss, ito na po 'yung mga bago," sabi ng isa.
Lalamya-lamya lang ang mga babae na tinutulak-tulak naman para alam nila kung saang direksiyon pupunta. Pinahilera sila sa harapan namin ni Darke at saka pinaluhod.
"Sabihin niyo isa-isa 'yong edad niyo!" utos ng isang lalaki. "Mauna ka."
Tinatanggal niya ang takip sa bibig ng bawat babae para malaman nila kung sino na ang dapat magsalita. Pagkatapos ay ibabalik rin agad 'yung takip sa bibig para di makapag-ingay.
"F-fifteen po."
"Nineteen."
"Fifteen pa lang po."
"Sixteen."
"Twelve. Fuck you! Go to hell! Patayin mo na lang ako kaysa kung ano pang masamang—"
Hindi na natuloy ng bata ang sinasabi niya dahil bigla siyang hinagisan ng kutsilyo ni Darke sa bibig mismo na dahilan ng biglang pagkamatay niya.
Bumuntung-hininga na lang ulit ako sa isip ko. Twelve years old pa lang siya pero pinatay na siya!
Nakaramdam ata 'yung ibang babae kung kaya't wala nang gumaya sa labingdalawang taong gulang na pinatay kanina.
"Boss, dadalin na po ba namin sila sa baba?"
Hindi muna sumagot si Darke. Sa halip ay tumingin siya du'n sa isa na nakapalda ng maikli at kanina ko pa rin napansin na sexy, maganda, maputi at makinis nga.
Sinundan nu'ng nagtanong ng tingin ang direksiyon na tinitignan ni Darke. Naintindihan na niya agad.
"Ikaw! Ipalinis mo siya at dalin ulit dito mamaya!" utos niya sa isa.
"Yes, boss!" pagsunod naman nito.
Nang makauwi na 'ko sa apartment ko, nawala na sa isip ko 'yong nasaksihan ko kanina. Sanay naman na 'ko.
Pero bigla akong pinagpawisan nang maalala ko ang nangyai kanina sa bahay nila Snow.
Aatakihin ko na sana siya mula sa likod nang bigla niyang hinubad ang kanyang bathrobe.
Natigilan ako at 'di napigilang titigan ang likod niya. Wala siya ni isang kasuot-suot.
Napakakinis ng likod niya at ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. She's not just sexy, she's perfect!
Sinuot naman niya agad 'yung night gown niya at saka lang ako natauhan at umatras nang dahan-dahan.
Pera, bahay, sasakyan, power, a name, a new identity... Lahat ng mga 'yan ang dahilan kung bakit ko pinili ang buhay na meron ako ngayon.
At may isa na naman akong bagong gustong makuha...
BINABASA MO ANG
The Heartless (Original Version)
Science FictionSnow could have simply chosen to die when everything was taken away from her. No, she was already dead. But her heart was taken and she lived. She lived even though she didn't want to, even though she didn't know how to. But there's one thing that s...