Volume 2, Chapter 13: Ryder
"Snow, ano'ng sagot mo sa number 3?" nakangusong tanong ni Tempest habang nagkakamot ng ulong tinitingnan ang notebook niya.
Kinuha ko ang notebook sa loob ng bag ko at binuklat sa huling pahinang may sulat. "14."
"'La! 28 sagot ko! Hm, close enough. E... sa number 5?"
Tininingnan ko siya, tapos ay ang notebook ko. "O, eto. Kopyahin mo na lahat." Inilapag ko sa tapat niya ang kuwaderno ko.
Katalinong babae, napakatamad. Mga kalanturan niya kasi ang inuuna. Umiling ako at pumangalumbaba sa lamesa.
Aksidenteng nahagip ng paningin ko ang papaalis na sa food court na grupo ni Colden. Isang segundo lang nagtagpo ang paningin namin at tinuloy ko na agad ang paglilibot ng mata sa paligid.
It had been two months.
At marami na ring nagbago. Ni isang beses ay hindi na ulit nagkakrus ang landas namin ni Colden. Kahit ang titigan siya nang mahigit sa isang segundo ay hindi ko na rin ulit ginawa.
Umiwas kaming tatlo sa kanila.
Wala naman talagang nagbago sa dalawa—dating gawi pa rin si Lulu sa kung saan niya ikasasaya at ganoon din si Tempest. I realized that it was just me all along. Ako lang pala talaga ang naging malapit sa Phantom.
Oo nga at nagkakilala na rin sina Lulu at Ice, at sina Tempest at Ski, pero hanggang doon na lang iyon. Hindi nila ako katulad na lumalapit at sadyang nakikipag-usap kila Colden.
Binago ko iyon. Iniwasan ko silang lahat. Maging boses ni Autumn ay noong slumber party ko pa nga huling narinig.
Hindi lang maiiwasan na marinig at makita ang mga kaklase naming si Ash at Lark araw-araw.
Si Lark... ang relasyon lang na mayroon kami ang pinagpatuloy ko.
"Here you go," abot ni Lulu sa mga panghimagas na pinabili namin. Umupo siya ulit sa harap ko at, "So, ngayong tapos na 'yong renovation sa open gym, ibig sabihin tuloy na tuloy na talaga ang Halloween Party! So excited!"
Kami lang ang nagbukas ng binili niyang brownies dahil kasalukuyan pa ring namomroblema itong si Tempest sa takdang-aralin nito.
"A-attend pala tayo?" tanong ko bago kumagat muli.
"Come on! It will be fun! Saka I already have a costume in mind!"
"Siguraduhin mo lang hindi si Anastasia Steele 'yong sa'yo, ha?" singit ni Tempest.
Umirap si Lulu. "As if gugustuhin kong magsuot ng pang-manang!"
"I mean, 'yong bondage and handcuffed Ana Steele! Submissive side niya!" apila agad nito.
Napatingin ako rito. "Iyon lang ang susuotin mo?" mariin kong tanong. Images of Tempest David only wearing bondage and handcuffs irritated the hell out of me.
"No! Of course not, Snow! Accessories lang iyon! May lingerie akong suot! O kaya latex—Basta kasi! May isip din naman ako, 'no!"
Nagkatinginan kami ni Lulu at nagkibit-balikat na lang.
**
His nose traced the sensitive flesh on my shoulder, up to my neck then to my ears. "Winter," he whispered huskily before kissing my ear passionately.
"Lark," I breathed then cocked my head to one side. "Mamaya na 'yan."
Tumigil siya sa malalim na paghalik sa tainga ko at nagpatuloy na lang sa pagpapaulan ng magagaan na halik sa leeg ko at balikat. "I left early. Wala pa sila rito."
BINABASA MO ANG
The Heartless (Original Version)
Science FictionSnow could have simply chosen to die when everything was taken away from her. No, she was already dead. But her heart was taken and she lived. She lived even though she didn't want to, even though she didn't know how to. But there's one thing that s...