Vol. 2, Ch. 7: Era

1.3K 23 17
                                    

Volume 2, Chapter 7: Era

"Snow, ano'ng ginagawa mo rito?" gulantang na tanong ni Fira.

I glared at her, tapos ay kay AC na natigilan sa pagta-type ng kung ano sa laptop nito at nanlalaki ang mga matang tinitignan ako.

"Sno—Heartless, ginagawa na namin yung utos mo. Medyo matatagalan lang—"

"Not you, too, Charm," banta ko.

Tama ang hinala kong hindi nila ako kabod-kabod susundin. I rushed to where the hideout was, half-thankful it's the middle of a forsaken night and Ice wasn't anywhere near stalking me anymore.

Tila naintindihan ang pagbabanta ko ay natauhan si Fira at, "Lulu, check the basement then plant the shits."

Natigilan saglit si Lulu bago sumunod nang makita ang masamang titig ko.

"Tempest, ikaw sa rooftop," utos ulit ni Fira at nagmadaling pumanhik itong si Tempest.

Binalingan niya si Charm, "Charm, laboratory."

Tumango ito bago tumakbo papasok sa nakaawang pinto.

Ako naman ngayon ang binalingan niya, "Snow."

"Give me something to do, too, to make things faster," giit ko.

Tumango siya. "Start up the car engines then park them a few meters away."

Hindi ko na siya tinanguan at ginawa agad ang nabanggit. Parang kidlat kong isa-isang naiparada iyong mga kotse namin almost ten meters ang pinakamalapit sa hideout. Iniwan ko lahat na nakaandar pa rin at hindi naka-lock ang pinto.

Pagbalik ko ay parang mga ipu-ipo ang mga Slayer ko na hindi mapakali sa loob. May mga kanya-kanya silang pinagkakaabalahan.

Si Charm ay labas-pasok sa lab ni AC at maya't-maya'y may dalang iba't-ibang portfolio, notebook, at iba pang klaseng kumpulan ng mga papel. Hindi niya binibitawan ang hawak na tablet.

Si Tempest naman ay panay ang akyat-panaog dala ang ilang firearms. May isang malaking maleta at travel bag siyang pinaglalagyan ng mga pinakamahal naming mga armas.

Si Lulu naman at Sapphira ay abalang nagtutulungan sa pagse-setup ng mga wiring ng mga pinagtabi-tabing bomba.

Tumingin ako sa wristwatch ko. "Ilang minutes pa?"

Sa loob ng dalawa pang minuto ay walang sumagot hanggang sa binuhat ni Tempest iyong malaking travel bag at hinila iyong maleta. "Done!" aniya kay Fira na napalingon sa kanya. "Dalin ko na 'to sa trunk ko."

Sunod napatingin ako kay Charm na biglang nagsimula ng apoy sa trash bin. "Okay na yung files," aniya habang tinatapon sa apoy iyong ilang hard drives, flash drives at memory card na kinuha mula sa tablet; sa huli ay yung tablet na mismo ang sinunog niya. Nagtinginan sila ni Fira at saka siya nagmadaling lumabas nang walang kadala-dala.

Sabay na napatingin sakin sina Lulu at Fira na parang tapos na rin sila sa pagse-setup ng mga bomba.

Tumingin ulit ako sa wristwatch. "Fifteen minutes na. Wala na ba kayong mas itatagal?" sarkastiko kong anas.

Pagkasabi ko no'n ay sabay na napatingin ang dalawa kay AC na abala pa rin sa pagta-type sa kanyang laptop. As if on cue, pinindot ni AC iyong "Enter" at nagpakita iyong screen ng laptop niya ng horizontal bar at limang minuto iyong nag-"loading".

Binalik ni AC ang tingin ko. "Tapos na. Let's go," aniya habang tinutupi iyong laptop at nagsisimula nang maglakad palabas bitbit iyon.

Akala ko ay may mga gamit pa siyang dadalhin pero iyong laptop lang talaga ang dala niya nang sinundan ko siya palabas.

The Heartless (Original Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon