Chapter I: Slayer Part 1

11.4K 140 2
                                    

Pinaupo ng lalaki ang magandang dalaga sa upuan sa harap niya. "You are Miss..." saglit na tumingin siya sa dokumento sa mesa, "Alvarez, right?"

Tumango ang babae nang may tipid na ngiti.

Tinutok niya ang hawak niyang patalim sa leeg ni North at binantaan ako. "Kung ayaw mong tuluyan ko tong kasama mo, ibaba mo yang hawak mo!"

"Okay, here's what you need to do: there's a CR there where you can take off your clothes—just the upper body clothes—and in also there you can find some hospital gowns and hair ties; choose one gown, and wear it. Then tie your hair up in a bun. Understand?"

Tumango lang ulit ang babae.

Tinitigan ko lang ang patalim na hawak ko. Nainip ata ang lalaki pero bago pa siya magsalita ay inihagis ko kay North ang patalim. Tumama sa kanang dibdib niya yung patalim at bumaon na naging dahilan para bumagsak siya at mawalan agad ng malay.

"Okay, call me when you're ready," ngumiti ang lalaki sa kanya nang may malisya. Ngunit hindi niya iyon pinansin.

Napamura ang lalaki sa ginawa ko at pinagsigaw-sigawan ako ng kung anu-anong salitang kalye. "Pa'no mong nagawa yun sa sarili mong kasamahan?!" pangunguwestiyon niya sa akin. "Anong—"

Tumayo na ang babae at naglakad patungo sa CR. Nang mapadaan siya sa pintong may salamin na bintana'y nakita niya ang isang babae sa labas na nakamasid sa kanya. Sa saglit na nagkatitigan sila'y bahagya siyang tinanguan ng babae sa labas.

"Heartless," pamumutol ko sa kadaldalan niya. "That's my code name," dagdag ko pa.

Bumalik siya sa opisina ng lalaki nang nakasuot lamang ng hospital gown. Nang makita siya ng lalaki'y mas lumawak ang malisyosong ngiti nito. Ngunit, muli, ay parang wala lang sa kanya.

Susuntukin niya ko pero masyado siyang mabagal—o pwede ring masyado lang akong mabilis—kaya nailagan ko siya.

Pumasok sila sa X-Ray room at inalalayan siya ng lalaki papunta sa tapat ng X-Ray machine. Tinuro sa kanya kung paano ang dapat niyang pwesto at sinunod naman niya iyon. Maya't-maya'y napapatingin ang lalaki sa dibdib niya. Nang minsang napatitig ito nang medyo matagal ay may t-in-ype siya bigla sa cellphone niya.

Yung ibang mga kasama niya sumugod na rin sakin. Panay suntok, sipa at tadyak lang sila sakin ngunit lagi kong naiilagan hanggang sa nagsimula na silang magbato ng kung anu-anong matitigas at matutulis na bagay.

Parang natauhan naman ang lalaki nang marinig ang tunog ng phone niya, "No cellphones allowed here," wika nito at saka lumunok.

Naghikab ako na siyang dahilan upang mas mainis sila sakin kung kaya't nilabas na rin nila ang mga armas nila—kutsilyo, baseball bat, baril. Sabi na nga ba...

"Ok, I'll just put it in my bag," sagot ng babae.

Wala sa sariling tumango lang ang lalaki. Lumabas siya ng X-Ray room. Habang naglalakad siya papunta sa upuan kung saan niya iniwan ang bag ay dumapo na naman ang tingin niya sa pinto. Nang magkatinginan ulit sila ng babaeng nasa tapat ng pinto'y siya naman ang tumango nang bahagya.

"Ngayon, sino satin ang duwag ha!"

I narrowed my eyes at him whilst smiling naughtily. "Err, stupid and coward are you? Malamang kayo. Kayo may armas, ako wala. Marami kayo, ako mag-isa," kalmado ngunit puno ng pang-aasar kong pahayag.

Pagbalik niya sa X-Ray room ay nakaayos na ang X-Ray machine. Pumwesto na siya agad. Nang mapansin niyang may pinindot ang lalaki'y tinawag niya ito, "Kuya..."

Agad na napatingin sa kanya ito. Tinitigan niya lang ito para hindi ito mapatingin sa ibang direksiyon.

Tinawanan lang niya ako. "Nagmamaldita ka pa diyan mamamatay ka naman na!"

I grinned evily. "Try me."

"Bahala ka. Sayang, ang ganda mo pa naman. Mga pare, ligpitin na natin yan!" At sumugod na nga sila.

Habang nagtititigan sila'y may biglang tumunog na kakaiba sa X-Ray machine. Narinig niya iyon pero todo titig pa rin siya sa lalaki. Ito nama'y hindi iyon narinig marahil ay dahil nahipnotismo na ito ng mga titig na binibigay niya.

They are the offenders but instead of doing defense, I reversed the game. I was the one who attacked them. I aimed for their vital organs and pressure points using my fists and feet.

Tumunog na ulit yung X-Ray machine ngunit isang normal na tunog lang na nagpapahiwatig na tapos nang makunan ng X-Ray.

"Tapos na po," wika niya na siyang dahilan para matauhan ulit yung lalaki.

With just at most two attacks per person, I've killed them all.

"A-ah! O-oo nga!" natataranta at nauutal nitong sabi. "We will see the result of your chest X-Ray in a short while. We'll just send it to the university clinic. You can get it there by tomorrow morning."

Ngumisi siya, "Okay."

And yes, I'm that heartless. I am Heartless.

 ***

"HEARTLESS pala talaga ang bagay sayong code name, Winter," wika ni Lulu, best friend ko, habang abalang tinititigan yung chest X-Ray ko. "Tignan mo o, halatang bakal yung puso mo. Ni hindi manlang heart shape! Bakit ba ganito to?" reklamo pa niya.

Wala ni isa samin ang pumansin sa kanya, sanay na kasi kami sa kadaldalan niya. "Pero teka, bagay din pala sayo yung Stoneheart. E Metalheart kaya?" pagpapatuloy pa niya sa pagsasalita.

Nang pumasok si Amethyst Chrysanthemum ay tinanong siya ni Lulu.  "AC, kaninong X-Ray nga pala yung pinalit mo kay Winter?"

"Kay Charm yun," sagot nito habang naghihikab. Napuyat na naman siguro ito sa laboratory.

"Ah!" bigla nitong sigaw kaya napatingin kami rito. "Nga pala, Snow! Nagkaproblema kanina nung hina-hack ko yung X-Ray machine. Wala ka bang narinig na kakaibang tunog?" puno ng pag-aalala nitong tanong.

"Nah. I took care of it," pilya kong sagot.

Napahagikgik bigla si Lulu sa sinabi ko samantalang itong si AC ay napakunot lang ang noo. "Bakit? Anong meron?" walang ideyang usisa nito.

Tumayo ako at naglakad papunta sa hagdan. Nang mapadaan ako kay AC ay nagsalita ako. "Malalaman mo rin pag tumanda ka na." At saka tuluyan nang humagalpak sa tawa si Lulu.

 ***

SINUSUKLAY ko ang basa kong buhok habang nakatapis na nakaharap sa salamin. Saglit na napadapo ang atensiyon ko sa maliit na peklat sa dibdib ko. Tumigil ako sa pagsusuklay at sandali itong tinitigan at hinawakan.

Napatigil lamang ako sa ginagawa ko nang biglang humangin. Tinuloy ko na ulit ang pagsusuklay.

"Moon." I acknowledged her.

"Naiuwi ko na si North sa hideout. Wala namang internal bleeding kahit na bumaon yung pinatama mong patalim sa kanya," pagbabalita niya.

Huminto ako sa ginagawa ko para lingunin siya.

"Salamat," seryoso kong sabi habang nakatitig sa mga mata niya.

Nginitian niya lang ako. "Walang anuman."

*

The next morning, nakahiga lang ako sa kama ko nang biglang tumunog yung doorbell. Sigurado akong si North yun kaya agad ko siyang pinagbuksan ng pintuan. Una kong napansin na may bagay na nakaumbok sa kanang dibdib niya kung saan ko siya pinatamaan ng patalim. May bandage siguro siya sa ilalim ng damit niya.

"Stoneheart," tawag niya sakin.

"North."

She smirked.

 And from that smirk, I knew already that she has found what I want her to find. I returned the smirk.

#

The Heartless (Original Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon