Vol. 2, Ch. 5: Ski

1.4K 25 33
                                    

Volume 2, Chapter 5: Ski

"Holy fuck!" Napaigtad ako nang bigla akong atakihin sa puso saktong pagkapasok ko sa hideout.

Napakapit ako sa dibdib dahil sa pamilyar na sakit na naramdaman doon. Kasabay ng sakit ang marahas na pagbuga ko ng dugo. Kaonti lamang iyon ngunit dahil biglaan ay tumurit sa sahig ang ilang patak.

"Winter!" mariing tawag ni AC habang dinadalo ako. May kinuha siya sa kanyang bulsa at nalaman ko agad kung ano iyon dahil kaparehas ng lalagyan ng pain killer na iniinom ko. Wala kaming inaksayang oras at ininom ko agad iyong tableta kahit na walang tubig.

Wala pang isang minuto ay lumapit naman si Charm para iabot sakin yung basong may lamang tubig. "Inom ka, Snow."

"Probably the result of your gym addiction these past few days," may diing utas ni AC sakin, halos umiiling sa katigasan ng ulo ko.

Because in the mood for it, I evidently shrugged a shoulder at her. "Probably."

That pushed a button. Inangat niya ang tingin mula sa notes at kinunutan ako ng noo. "You know what too much work does to you. You can't just push your limits! 1000 is your number. It has always been one fucking thousand, Winter Snow. If you want a five then at least do it gradually! Wag yung biglaan!" Tinuro niya iyong kaliwang hita ko. "Tignan mo nga! Namamaga pa rin yung sugat mo!"

Humalakhak ako sa outburst niyang paborito ko sa lahat. I heard Charm sighed from the side. "That laugh though..." komento niya.

Pinanuod ko kung pa'no niya pinilit ang sariling ibalik ang atensyon sa kung anong binabasa niya. I had always found her fetish for my laughters weird. Weird to the point that I doubted her gender many times. What, was she into me now? Just because of my chuckle?

"What?"

Hindi siya nag-angat ng tingin nang sinagot ako. "You don't know the definition of 'hot.'"

I instantly ignored her and turned back my focus to AC. "Grumpy Einstein."

"I am not! It's not like that, Snow! Look at these lab results! May impeksiyon ka na sa dugo!" Halos ingudngod niya sa naaaliw kong mukha yung lab results ko.

Mabilisan ko iyong binasa at humalakhak ulit—kasunod ang pagbuntong-hininga na naman ni Charm sa gilid. "Ganyan naman palagi yung resulta ng blood test ko."

"No, it's not! Tumaas ng 0.001%!" nanggigigil niyang bulalas na lalo ko lang ikinahagikgik. Tumigil ako sa pakikinig sa mga sermon niya pagkatapos niyon. Lahat ay pawang mga leksyon sa medical terms, ang iba nga ay hindi ko na maintindihan talaga.

"Your heart is already poisoning you!"

"Ambiguous," singit ni Fira na kapapasok lang para ihatid sakin si Hershey.

"Hi there, babe!" salubong ko kay Hershey na malamyang nakatanga lang. Ni hindi siya nag-meow nung kinuha ko. Malamang ay busog ang isang 'to.

Tumigil si AC sa kakadakdak nang mapagtanto na sigurong wala akong intensyong pakinggan siya.

Nagkatinginan kami ni Fira at niregaluhan niya ko nang magandang ngisi. Her game face was on. Mukhang nagustuhan talaga niya yung bagong misyon na pinaubaya ko nang buo sa kanya.

Tinuro niya yung pinto at nagtaas ng kilay nang magpaalam, "Balik na 'ko. Baka hindi niyo ko maistorbo nang ilang araw."

Binalik ko ang ngisi niya bilang pagsang-ayon.

Nang papalabas na siya ay maingay na nagsidatingan ang dalawang cheerleader. Nag-high five siya sa dalawa at natigilan sa tapat ng pinto.

Pumihit siya palingon kay AC. "AC, nga pala kakailanganin ko ang techy skills mo dito."

The Heartless (Original Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon