Volume 2, Chapter 1: Tempest
Humaharurot na tinalo ko ang red light. Sa mismong pag-ilaw ng pula ay nakatawid na ko ng crossing, nagdulot ng kamuntik na aksidente sa ilang mga sasakyan. Napangisi ako nang halos ma-imagine ko na ang frustrated na mukha ni Ice na ngayon ay napag-iwanan ko na.
Nakakadalawang kanto pa lang ako ng layo ay may bagong kotse na naman ang humahabol sa akin.
"Kahit kailan mabenta talaga ang isang Niyebe," pakantang saad ko habang inaalala ang ipinangalan sakin ni Sebastian.
Meow.
Nilingon ko sa passenger's seat si Hershey na nakalingon sakin. Inisip ko na lang na sumasang-iyon siya sa akin.
"Ayusin natin ang basket mo," kausap ko sa kanya habang ina-adjust ang pinaglalagyang basket sa seatbelt. Hinigpitan ko pa ang belt dahil alam ko na ang karerang paparating.
Meow.
Tinapunan ko ulit siya ng tingin. "Gustong-gusto mong bumabyahe ah. Tignan natin ang tapang mo," paglalambing ko.
I switched gears and hit the gas.
Parang propesyonal ay binilisan din ng bagong stalker ko ang pagmamaneho. Lumiko ako para makaraan sa high way kung saan makinis ang daan. Whoever the driver of that car was, he was barely keeping in touch with me I could almost taste his desperation.
"Smooooth," mahabang papuri ko sa nakita sa rearview mirror. Out of nowhere ay lumabas si Ice na hanggang ngayon ay hindi pa rin pala sumusuko. Naglapasan niya ang panibagong stalker ko.
"Dami kong fans, no?" tinapunan ko ulit si Hershey ng tingin. Nanlalaki ang mga matang tumitingin-tingin ito sa paligid.
"Anddd stop!" biglaan kong pag-apak sa preno. Humalakhak ako nang ganun din ang ginawa ng dalawa kong tagahanga at muntik pa silang magkabanggaan.
Agad akong nagtanggal ng seatbelt at kinuha ang basket ni Hershey. Nakalabas ang mga kuko nito at nakakapit sa kinalalagyang basket, marahil ay dahil iyon sa pagkabigla sa preno ko.
Gayunpaman ay alerto pa rin ang mga mata nito at walang bahid ng takot, hindi gaya ng dati kong Persian cat na nanginginig sa takot pag asa byahe.
I saw through my peripheral vision Ice getting out of his car. Pumihit ako paharap sa kanya ngunit walang kahirap-hirap siyang nakapagtago agad sa akin. Hindi siya ginaya ng isa pang fan ko na bumaba ng kotse. Nakita ko lang ang kotse nitong nakaparada sa malayo.
Lumabas ako ng LBC nang may dala nang medyo maliit na kahon sa isang kamay. Nakita ko sa sideview mirror na kasunod ko lang na pumasok sa sasakyan si Ice.
Pinagtatawanang natakasan ko na naman si Ice sa pangalawang pagkakataon, gamit ang parehas na paraan. Mas binilisan ko pa ang takbo sa paborito kong street at sumuot-suot sa kung san-sang makikitid na daan. Binagalan ko nang konti ang bilis nang mapadaan sa pamilyar na hilera ng mga food chain at coffee and tea shop. Sinamantala ko ang saglit na kabagalan para mapababa yung katabi kong salamin.
Pagkakita sa sign na 'one way' ay binilisan ko agad at pasaway na lumiko dun. Sunod-sunod na nagmumurang mga busina ang natanggap ko at huminto/bumagal ang mga nakasalubong kong sasakyan sa one-way street.
Kinuha ko gamit ang kaliwang kamay ang maliit na kahong nasa kandungan ko at inihagis patungo sa backseat ng isang kotseng may nakababang window. Kay AC iyon.
Sa kantong paparating ay may nakaparadang kotse. Nang malapit na ko ay bumukas ang bintana ng driver's seat at nakamaskarang mukha ni Fira ang tumingin sakin. May hawak siyang kahong kamuka ng natanggap ko sa LBC at inihagis din niya iyon sa naghihintay kong kamay.
BINABASA MO ANG
The Heartless (Original Version)
Science FictionSnow could have simply chosen to die when everything was taken away from her. No, she was already dead. But her heart was taken and she lived. She lived even though she didn't want to, even though she didn't know how to. But there's one thing that s...