Dahil sa trapikong dulot ng klase ay lagpas alas siyete na nang makapasok kami sa university. Ni hindi pa kami nag-a-almusalan o naliligo.
"Gosh! I feel so malagkit!" maarteng reklamo ni Tempest habang nakabusangot sa mga braso niya.
"Grrr! Amoy kotse ko ako!" dagdag reklamo pa ni Lulu.
"At nagugutom na ko kaya tara nang maligo at makakain sa cafeteria," nonchalant kong sabi habang abalang binubuksan yung trunk ng kotse ko.
"Huh?" chorus nilang pagkagulat.
Kinuha ko yung duffel bag ko roon at dumiretso sa walkway sa gilid ng field. Nag-uusap ang dalawa sa likod ko habang sinusundan ako. Wala nang halos high school students ang makikita sa daan. Sa kabilang gilid nitong katabi kong field matatagpuan ang maraming mga college students. Kumbaga ang baseball field ang naghahati sa dalawang level.
Nang natapat ako sa gym ay tumawid ako roon at lumiko sa shower room. Naka-lock iyon ngunit kinailangan lang namin ipakita sa janitress yung susi namin ng kanya-kanyang locker sa loob para pagbuksan niya kami. Natural lang na may training kasi sa umaga o hapon ang mga varsity o cheering squad kaya nagagamit ito madalas.
Agad kong nilapag sa gitnang locker bench yung travel bag ko at binuksan iyon. Mga usual toiletries lang ang laman nun at ilang bagong undies. Alam kong magkakaproblema sa size ng brassieres di tulad ng sa panties dahil... well, masyadong malaki ang kay Lulu. Initsa ko sa kanila yung tigisang pares ng undies at masaya nila iyong tinanggap.
"So this is why you had us join the cheering squad," naliliwanagan na utas ni Lulu habang ini-scan iyong undies niya. "La Senza. Not bad."
Inirapan ko siya. Sasabihin ko sanang yun naman talaga ang dahilan kaya kami sumali sa aquad pero mas nangibabaw yung inis ko pangmamata niya sa gamit ko. "You can give it back if you want. I don't mind if you don't change-"
"Hindi ah! Akin to!" Nagmamadali niyang hinalungkat pa yung bag ko, kumuha ng napusuang sabon at shampoo roon-panay mga bottled iyon-at sumulong na sa isang cubicle para mag-shower.
"Didn't know na may Garnier palang shampoo," ani Tempest na nagpatingin sakin sa kanya.
"Not the shampoo, Tempest," babala ko.
She pouted at me. "Snow naman! Di lahat ng bagay pwedeng sadistahin no!"
"So kung pwede lang pati yan di mo papatawarin?" taas-kilay ko sa kanya.
Binuka niya ang bibig niya para makipagtalo ngunit natigilan siya nang ma-realize ang sinabi ko. She frowned as she got my point. I shook my head at her. "Maligo na tayo at ikaw na ang bahalang maglagay ng mga yan sa locker natin," utos ko habang iniitsa sa kanya yung susi ko. "Tatawagan ko lang si Moon para dalhan tayo ng plantsadong uniform.
"Wakarimashita!" paraan niya ng pagsasabihang nakuha niya ang utos ko. Sa sobrang hilig niya sa "kawaii" o cute stuff ay nahilig na rin siyang manuod ng anime para magkaideya sa cosplaying.
Goth loli last year, Goldilocks ngayon. Ano naman kaya next year? Character sa DOTA?
**
"Nomnom. So yummy!" nagagalak na saad ni Tempest habang kumakain kami sa food court. Kokonti lang ang tao at panay mga college students sila kaya safe kami mula sa mata ng student council.
"Wala naman talagang 'di masarap sa gutom," ani Lulu habang sumusubo gamit ang kanang kamay at nagte-text naman gamit ang kaliwa.
"Ice?" usisa ko.
Parehas silang napatingin sakin. Ang direktang tingin ko kay Lulu ang nagpahayag na siya ang tinatanong ko.
"Uh, yeah? He's one of them," inilahad pa niya ang screen ng phone niya para makita ko ang inbox niyang puno ng mga conversation sa pagitan niya at ng kung sinu-sinong lalaki. Pangatlo roon ang pangalan ni Ice. Yun lang ang binasa ko at ninais kong mabasa dahil panay tungkol sa sex at/o landian ang matatagpuan sa messages niya. Yumuko agad ako ulit sa pinggan ko.
BINABASA MO ANG
The Heartless (Original Version)
Science FictionSnow could have simply chosen to die when everything was taken away from her. No, she was already dead. But her heart was taken and she lived. She lived even though she didn't want to, even though she didn't know how to. But there's one thing that s...