Volume 2, Chapter 8: Colden
Pagkauwi ay nakita ko na namang nakaantala ang kotse ni Ice sa 'di kalayuan gaya ng inaasahan. Nauna kasi akong umuwi kaya hindi niya ako nasundan sa mall kanina. Buti na lang.
Tinignan ko ang kotse niya mula sa side mirror ko. Napailing ako. Ang isang iyon, kaya hindi naging Spy ng Phantom ay dahil walang kaingat-ingat sa mga pinaggagawa. He was very good in hunting me, I'd give him that. But spying? Not at all. He wasn't discreet... well at least not discreet enough for me. Not for Heartless.
On my way home, I called Lulu to ask her to distract him for me. Pero tumanggi siya, sinabing big move iyon at makakahalata si Colden. She did have a point though. Una, malalaman ni Colden na alam naming sinusundan ako ng Ice na iyon. Pangalawa, baka makahalata rin siyang deliberate ang ginagawa kong panunukso sa kanya kung sasabayan ng panunukso rin ni Lulu sa kay Ice naman.
Lulu specifically said that in this game of love, push and pull was a critical part. Hindi pupwedeng lapit lang ako ng lapit, may mga oras na kailangan ko raw lumayo, o umiwas nang walang dahilan. That should make him curious, she said. And interested, much better.
Hindi naman ako against sa paggiging bihasa ni Lulu rito. Sadyang nakakapanibago lang na siya ang nagdidikta sa mga kailangan kong gawin imbes na ako sa kanya.
Still, I just didn't want to see anyone tonight. I really wanted to be alone. Ayokong may Ice dyan na nanunuod sa bawat galaw ko. Maging ang gym session namin ni Lark ay kinansela ko.
Besides, AC strictly advised me to abstain from any physical activity. Para na rin sa kapakanan ng sugat ko sa kaliwang hita. Medyo nakaramdam ako ng kirot doon nang maalala iyon.
Lumabas ako ng kotse ko at ang basang-basa kong estado ay naalala na naman nang makitang makapal ang mukha ng tubig-ulan na tumutulo mula sa damit ko patungong lupa. It wasn't raining anymore. Biglang bugso lang ng ulan ang nangyari kanina. Palagay ko ay matagal pa ulit bago ang susunod na pagbuhos niyon. Mga ilang oras o baka bukas na.
I... used to liked rain very much. I was dead serious when I said that wet look suited me.
But now, I just couldn't bring myself to anticipate the next rainfall anymore.
Posible pala iyon? Yung ayawan mo ang isang bagay na buong buhay ay ginusto mo. Yung basta-basta na lang mawala ang pagtangi mo sa isang bagay. Yung bigla na lang magsasawa ang sistema mong gustuhin iyong bagay na yun. Yung magigising ka na lang isang araw na ang bagay na pinakakinasasabikan mo ay parang wala nang halaga sa'yo.
Sa halip ay inayawan mo na. Binaon mo na sa limot. At hindi na muling tinignan pa pabalik.
Laking pasalamat ko na lang kinabukasan dahil Sabado iyon. Hindi ko nga lang sigurado kung maayos ba sa aking iyon ang unang araw ng photoshoot namin sa banner dahil may makakasalamuha akong ibang tao gayung gusto ko pang mag-isa.
Hindi ko c-in-ontact sina Sebastian at Colden. Hindi ko rin naman kinuha ang number nila, ako lang ang nagbigay ng numero.
Nabawasan na naman ang pag-asa ko kay Colden dahil si Sebastian lang ang nag-text sakin para ipaalam kung saan kami unang magkikita. Sa school. And I should wear my cheerleader uniform, he clearly instructed.
Dumating ako sa school sa saktong oras ng pinag-usapan. Alas siete impunto. Akala ko ay male-late ang isa't kalahating lalaki dahil nasa Pilipinas kami. Ngunit nagkamali ako; ako pa pala ang huling dumating.
Hindi naman talaga dapat kasama si Colden, ngunit sabi ng coach namin ay kasama raw ito sa pakulo ng team. Na imbes isang banner lang, marami daw ipapagawa; at iyong ibang banner naman ay litrato ni Colden ang ilalagay.
BINABASA MO ANG
The Heartless (Original Version)
Science FictionSnow could have simply chosen to die when everything was taken away from her. No, she was already dead. But her heart was taken and she lived. She lived even though she didn't want to, even though she didn't know how to. But there's one thing that s...