"DI MO BA kami kilala?" tanong ng nakataas ang kilay na babae. Siya siguro yung leader dahil siya yung asa tapat ng dalawa pa, at mahahalata naman sa aura niya na siya yung boss nitong dalawa pang babae.
"Hindi. Pero that's off-topic. Umalis na kayo dali at kakain na kami," counter ni Tempest sa mas iritadong tono.
Tumayo na yung babaeng walang katabi, sabi na eh siya yung leader nila, sumunod din kasing tumayo yung dalawa pang babae. "Aba. Di mo ba alam na daddy ko may ari nitong school?! Wala kang karapatang pagtaasan ako ng boses. Also, wala kayong karapatang palayasin kami dito." Ah. So kaya pala nagmi-misbehave siya kasi di siya maki-kick-out dito. At kaya pala kahit dito sa LU nag-aaral e ganito ka-'wapoys.'
"Transferee kami pano namin malalaman?! And FYI, daddy mo pala owner eh! Tanga lang?!" biglang outburst ni Lulu.
"Aba! Transferees lang pala kayo pero ang aangas ninyo!? At ikaw! Ikaw siguro yung Lulu hano?! Ang kapal ng mukha mo para agawin yung boyfriend ko!" tuluyan nang nagalit yung leader dahil siguro nakilala niya si Lulu.
"Sinong boyfriend?! FYI wala akong inaagaw na boyfriend!"
"Si Rafi! Di ako naniniwala, maraming nakakita sa inyo!"
"Si Rafi?! Ah. So ikaw pala yung kinekwento niyang boring na naghahabol sa kanyang cheerleader -" medyo nagmamayabang na sabi ni Lulu pero pinutol ni Tempest.
"Oh my Gee! Cheerleader siya?! Di halata! Akala ko sumo wrestler!" mapang-asar niyang sigaw na narinig sa buong cafeteria.
Nagtawanan naman halos lahat ng asa cafeteria. Tama si Tempest, may pagka-chubby kasi tong cheerleader na to.
Namula naman sa galit yung leader. "How dare you talk to me like that! Do you want to -"
Naputol yung sasabihin niya dahil sa ginawa ko. Sa sobrang bad trip ko na kasi at sa pagkainip sa walang katapusan nilang trash talk, sinipa ko yung table dahilan para matumba yun kasama na rin yung mga food nung tatlo.
Biglang natahimik sa cafeteria.
"Oh ayan, sa inyo na yung table," sabi ko sa normal voice ko pero dahil tahimik na tahimik sa buong cafeteria, malamang narinig nila. Bumaling ako kina Lulu na nakatulala lang rin sakin sa gulat at takot. "Tara na lang sa ibang table."
Sabay na nag-nod sila at sumunod sakin. Pagkatalikod ko naramdaman kong sumusunod lang sila sakin.
Makatapos ang ilang hakbang, sumigaw ulit yung cheerleader, "You!" at narinig ko yung mga hakbang niya habang pasugod samin.
Saktong pagharap ko, handa na sana para patulan tong babae, may pumigil sa kanyang hablutin yung buhok ko. Si Chase, hawak-hawak nito yung wrist nung babae.
"C-Chase?" gulat na gulat na tanong nung leader.
"Ayaw naman siguro nating makasakit sa kapwa, di ba?" nginitian ni Chase yung babae.
"O-oo n-naman," nauutal na sagot niya. Di ko alam kung pano niya napakalma yung babae; kung dahil ba sa sinabi niya o dahil sa kagwapuhan niya--halos maipilig ko ang ulo ko sa naisip. Siguradong dahil lang iyon sa ngiti niyang nakakahawa.
Tumalikod na ko agad at saka pumunta dun sa pinakamalapit na vacant table. Sumunod lang sakin yung dalawa at saka kami tahimik na kumain ng lunch.
***
NATAPOS ang afternoon class nang tahimik lang kaming tatlo na nakaupo sa upuan. Di na rin pumasok sina Lark at Ash, malamang nasa Tagaytay pa yung mga yun. Mas dumami na rin yung tinginan samin kumpara sa dati.
"Good afternoon!" sigaw ni Chase pagkalabas na pagkalabas ko ng room namin. Luckily sa mga students, nagpahuli kaming lumabas para di kami makipagsiksikan, kundi mai-stranded sila sa loob at dito pa talaga sa pinto humarang tong Chase na to.
BINABASA MO ANG
The Heartless (Original Version)
Science FictionSnow could have simply chosen to die when everything was taken away from her. No, she was already dead. But her heart was taken and she lived. She lived even though she didn't want to, even though she didn't know how to. But there's one thing that s...