Volume 2, Chapter 3: Kol
Suot ang maskarang itim ay taong-pusa akong naglakad sa bubong, kalkulado at walang tunog. Lumapag ako sa semento nang walang ingay sa tulong nang mga nakaraang pagsasanay ko.
Lumuhod ako sa tapat ng backdoor at nagsimulang buksan ang pinto gamit ang baon kong pardible. Nang na-unlock ay dahan-dahan ko iyong binuksan.
Humakbang ako paloob at agarang lumuhod bago pa man matutok sakin nang kung sino ang hawak niyang armas. Tumuwid ulit ako nang tayo at walang kahirap-hirap na inagaw iyong baril para maitutok sa kanya.
Nagtaas siya ng kamay bilang pagsuko kasabay ng paghakbang ko paabante.
May tumunog na alarm hindi pa man tuluyang napapatag ang paa ko sa sahig at umilaw ang buong kwarto, naghahantag ng dalawang babaeng nagtututok ng baril sa direksyon ko.
Inalis ko ang aking maskara.
"Snow," buntong-hininga ni AC at binaba ang hawak na baril. May pinindot siya sa remote na galing sa bulsa at saka tumahimik yung alarm.
Inihagis ko ang baril sa kawalan at nasapo yun nang asa likuran kong si Fira. "Not bad," utas ko at niluhod ang nakita kong kasangkapan na nakadikit sa dingding. Iyon malamang ang dahilan kung bakit na-trigger ko yung alarm.
"Pumunta ako para mang-check at magpa-check." Naramdaman ko ang paggalaw ni Fira sa likod ko, bago pa man siya makahakbang ay sermon ko, "Fira, dapat nakatutok na agad ang baril mo sa susunod."
Narinig ko ang pagpapakawala niya ng hangin. "Yes, boss," walang gana niyang sagot at naglakad na palayo.
"Mang-check at magpa-check?" mahinang usisa ni Charm.
"I was curious about your security here, and I need AC to check my wounds."
"Charm, paki-ready yung lab ko," utos ni AC dito. "So how do you find our security?"
"Not bad," ulit ko sa mga salitang ginamit ko kanina bilang obserbasyon. "This sensor here saved Fira's life."
Narinig ko ang pagsarado ng pinto sa likod ko at mga yapak papalayo. "It better be. It costed us a fair share from that money we earned from our Silva mission. Come here, Snow. Let's check your injuries."
Tumayo ako at nag-unat. "Yeah," hikab ko. "We should've just stolen Silva's toys. Isang daang milyon din yun mahigit." Sumunod ako sa kanya.
"Pwede rin pero hindi sapat ang mga koneksyon natin para maibenta yun sa ganong halaga. Wala rin naman tayong private plane at ayaw mo pang ginagamit natin yung sa uncle mo."
"He needs to be safe. Napakadaling i-trace ng mga successful businessman na kagaya niya," I shrugged as I was watching her adept hands handle the medical tools Charm had prepared for us.
Saglit kong hinubad ang suot na pantalon bago umupo sa may kataasang stool. Tiningala niya 'ko. "Anesthesia?"
"No need. Nakapag-complete workout nga ko kanina nang hindi iniinda yung sakit."
She immediately looked at me as if she couldn't believe what I'd done. "I knew it, dapat tinahi ko na lang yung sugat mo sa hita," iling niya at sinimulan agad tanggalin iyong benda ko roon.
Hindi lingid sa kaalaman ng buong Slayer ang mga kalakasan at kahinaan ko. Dahil saktong kabaligtaran ko silang lahat. Their upper bodies were always their strengths unlike me. One factor that rendered my upper body my soft spot was my heart. Iyong sariling mga gawain ko pa nga lang—emosyon, paglaki, at paghinga—ay nagdudulot na sakin ng sakit, ano pa kaya kung matira ako sa bandang dibdib? Sa kabilang banda, nakalalamang ang pangbabang katawan ko sa larangan ng pakikipagbakbakan. Isang salik ay iyon ngang pagsasanay ko noong kamusmusan ko sa matarik na bulubundukin kung saan walang sibilisasyon at pawang mga paa ang instrumento ng paglalakbay. Not that I couldn't throw powerful punches like them, I just could kick at a much higher force.
BINABASA MO ANG
The Heartless (Original Version)
FantascienzaSnow could have simply chosen to die when everything was taken away from her. No, she was already dead. But her heart was taken and she lived. She lived even though she didn't want to, even though she didn't know how to. But there's one thing that s...