Vol. 2, Ch. 15: Tamar, Aisle, Cent

1.1K 27 20
                                    

Volume 2, Chapter 15: Tamar, Aisle, Cent

Lumaki si Lark na palaboy-laboy lang. He couldn't remember either of his parents. Basta ang alam lang daw niya, nagsimula siyang magbatak ng buto sa edad na dapat ay naka-diaper pa rin siya.

Brgy. Magbitang. He could clearly remember the name of that place he called hell. Naranasan niya lahat ng pwedeng maranasan ng isang batang yagit.

But his sufferings ended the day he was sold to a gang. Or so he thought.

Phantom.

Noong una ay inisip pa raw niyang sinasanay siya para sa giyera dahil pawang mga sundalo silang pinag-training sa isang pribadong compound. His chief saw his driving skills. Mahilig kasi siya sa mga sasakyan. Kahit ano pa iyan, madali niyang matututunang imaneho.

He had his first kill the day he met Montreal. He was twelve years old then. Looked like, the killing was the initiation process. And unluckily for him, the one he had to kill was a teenage girl.

Doon siya nagsimulang makaranas ng marangyang buhay. Houses, cars, money, women, drugs, even a new name, a new identity—name it. The beast could give it to him.

Phantom.

The name said it all. It wasn't a gang. A brotherhood. A mob. It was much much... more. How the underworld saw Phantom was just a figment of its imagination.

Hindi ito kagaya ng akala naming grupo ng mga malalakas na tao. Hindi ito grupo ng mga kagaya naming "gangsters".

At hindi alam ni Mellark kung ano talaga ang Phantom.

"Hindi ko alam. Wala kaming 'hideout' o kung ano pa man. We're just... all over the place. You can find us anywhere. I always find Colden anywhere. Ni hindi pa nga ako napupunta sa bahay niya—kung may totoong bahay siya. Basta, may iuutos lang sa'kin si Colden, o si Ski—depende kung sino ang nando'n. Just like you, we would go on missions by group or most of the times, alone.

"Depende talaga. Walang permanent. At hindi tulad sa inyo, direktang ko-contact-in 'yong kliyente. Kami—hindi ko alam—basta magigising na lang ako isang araw na papatayin ko si ganito. Susundan ko si ganyan. Iimbestigahan ko si gano'n. Kukunin ko ang isang package, isang tao. Ewan.

"Kapag nakikita ko sila Ice, sina Ski, Autumn, Ash, Rebmevon, pakiramdam ko mayroon silang alam na hindi ko alam. Tingin ko ay hindi lang kami pipito sa grupo.

"Pakiramdam ko hindi talaga ako kabilang sa Phantom."

Pumikit ako nang mariin habang inire-replay sa utak ko 'yong unang gabi naming pagsasama ni Lark. Sinabi niya sa akin lahat ng nalalaman niya sa Phantom.

Pero habang mas marami akong nababatid ukol dito, mas lalo itong lumalabas na malabo sa akin. Parang kumunoy na mentras napapalapit ako sa gitna, mas bumabaon lamang ako.

Inupos ko ang maghapon na nakatayo sa veranda at nakatitig sa kawalan, tinitimbang lahat ng nalaman, lahat ng nangyari, lahat ng narinig.

I just stood there, clueless of everything. Until...

Namilog ang aking mga mata.

Wag kang magtiwala kanino man.

Monté Royal.

Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at nagbihis.

Damn you, Lark!

Hindi. Imposible. Imposibleng wala siyang kaalam-alam. Imposible.

Natigilan ako sa pagtakbo palabas nang tumunog ang cellphone ko at ipinakita niyon ang pangalan ni Lark. Speaking of the traitor.

"Hel—"

The Heartless (Original Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon