Vol. 2, Ch. 10: Heartless

1.3K 30 15
                                    

Volume 2, Chapter 10: Heartless

Napalitan ang plastik kong ngiti ng ngisi nang matapos nang rumampa ang female number 4. Naging alphabetical ang pagkakasunod-sunod: Dire, Radiant, Scourge, Sentinel.

Napagtanto ko kasing ako ang may pinakamalakas na hiyawan. At nagmistulang akin ang gym dahil namayani ang mukha ko. Kalahati ng gym ay punong-puno ng banners ko, kalahati naman ay ang kay Colden. Halatang kami ang pinagkagastusan talaga dahil nagmumukhang basura ang banners ng ibang team na natabi sa ibang banners namin.

Napalitan na naman ng sumobrang tamis na ngiti—o ang aking plastik na ngiti—ang ngisi ko dahil nabatid kong nung si Colden na ang rumampa ay naungusan ng hiyawan sa kanya ngayon iyong hiyawan kanina para sakin.

I knew I shouldn't have worn these black tights!

Sa last-minute ay nakapag-isip si Sebastian ng sagot sa aming problema sa malaking tulong ni Lulu. Tutal ay halos limang minuto na lang ang nalalabi kanina, wala nang oras pa para lagyan ako ng make-up ni ayusan ang buhok ko. They both decided that we ramp a wet look instead.

And what went well with a wet look? A surf wear.

Surfing ang napili nilang i-represent namin. Madali silang nakahagilap ng rash guard para sa aming dalawa. Dahil sa peklat ko, at wala nang oras para takpan iyon ng make-up ni Sebastian, ay pinasuot niya ako ng leggings na itim.

Samantalang sila'y abala sa pagkakataranta sa isusuot at ayos namin, ako naman ay naging abala sa pagkumbinsi sa sarili kong huwag tatapunan ng tingin ang mga binti ni Colden kahit ano'ng mangyari.

Sa madaling salita ay ako ang may pinakamalaking problema kanina. Bakit ba naman kasi kailangan ni Colden magkaroon ng mga galit na ugat sa binti?

"Male candidate number 3, from the Scourge team—" Natabunan ng hiyawan ang pagbanggit sa pangalan ni Montreal. Yeah, right.

Lumapit siya sa host at bumunot agad sa fish ball at iniabot iyong papel sa emcee para maianunsyo kung sino'ng judge ang magtatanong sa kanya.

The usual greetings happened followed by the popping of question. "If you're given a chance to change something in your body—let's say through a plastic surgery—will you choose to do it? To take the opportunity? And if you do, what part of your face or body will you change?"

Tinanggap niya ang mikropono at maging ako ay napawian ng ngiti sa kuryusidad sa isasagot niya. Kung gaano niya napahiyaw ang mga manunuod ay ganun din niya napatahimik ang mga ito.

Nilapit niya ang mikropono sa bibig at alam ko na agad na matinding sagot ang ibibiyaya niya sa nagmamayabang pa lang na ngisi at pagkislap ng kanyang mga mata sa kapilyuhan.

Tignan natin kung paano sumagot sa pang-pageant na tanong ang isang Colden Montreal.

"No."

At ibinalik na niya agad ang mikropono sa emcee.

Kulang na lang ay sabunutan ko iyong judge na nagtanong. May mali nga naman kasi sa nakakabobo niyang tanong! Wala manlang "why"!

Nakain ang gym ng tawanan bago ang akala ko'y walang katapusang hiyawan. Napakamot talaga sa ulo ang huradong wala sa lupa nung nagpaulan ng katangahan sa halip ay nasa langit at kasama pala sa mga nagdo-donate!

Siguro ay dala na rin ng takot ay hindi na ito nangahas na magtanong ng simpleng "why" sa Montreal na iyon.

Natigil ako sa pagkitil ng buhay ng sinumpang hurado nang naglakad pabalik sa tabi ko si Colden.

Bukod sa mga galit niyang ugat sa binti ay isa pa palang kontrabida iyong simpleng paglalakad lang niya! Ngayon ko lang nabatid sapagkat kanina ay rumarampa rin ako. He wasn't doing anything special, alright? Pero yun na nga, iyong mismong paglalakad lang niya nang natural iyong problema! Bakit ba kasi may angas iyong simpleng galaw lang niya? He didn't even have to try hard!

The Heartless (Original Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon