Final Volume, Heartbeat 04: November
Mabilis kong natapos ang pagkain ko. Bumaba ako sa maayos nang unang palapag.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong sala at kusina, binabalewala ang mabigat na katahimikan—pati na rin ang pukaw ng mga mata ng lahat sa akin.
Ang dating pang-Slayers lang na hapag-kainan ko ay pinupunan na ng Phantom ngayon. Nasa dulong upuan ang mailap na si Lulu, sa magkabilang gilid niya ay magkatapat ang may sariling mundong si Tempest at ang tingin ng tingin sa kanyang si Ice.
Si Ski lang ang nakaupo na kahilera si Tempest.
Tila hari namang nasa kabilang dulo si Colden. Sa magkabilang gilid niya iyon ngang si Ski at si Autumn. Katabi ni Autumn si Ash.
Ang tatlong bakanteng upuan sa mga pagitan nila ang lalong nagpabigat sa matinding katahimikan.
Hindi ko naman sila masisisi kung ganito sila kailang ngayon—at kasama tumitig sa isa't-isa dahil sa nangyaring gulo kanina. Hindi ko alam kung sino ang unang umatake, ang unang naghagis ng kung anong nadampot na gamit ko. Ngunit sigurado akong isa sa Slayers ko ang nagsimula ng patayan kanina bago ko sila patigilin at parusahan.
Lumingon ako kina Era, AC at Charm na naka-squat pa rin habang nakasandal sa dingding. Nasa tapat na nila ngayon ang mahabang sofa. Naibalik na talaga ni Tempest lahat ng nagkagulo kong gamit sa kani-kanilang pwesto maliban na nga lang doon sa mahabang sofa dahil nando'n pa ang tatlo. Sa likuran ng tatlo ay nandoon dapat ang painting na malaki.
Bumaling ako sa kabilang side ng hagdan. Mayroong maliit na espasyo roon para sa isa pang tanggapan—mini living room kumbaga—at saka pinto papuntang maid's quarter. Nakasandal sa tabi ng pintong iyon ang nabasag nang kuwadro. Sa paligid no'n ay ang iba ko pang gamit na sira-sira na. Nakaagaw ng pansin ko iyong isang throw pillow na nakalabas na ang laman.
"Nakakailang minuto na kayo?" tanong ko sa tatlo na sineseryoso naman ang parusa ko.
"33 and 27 seconds," sabay na sabay na sagot ng magkatabing Era at AC.
Nagsalubong ang kilay ng nasa dulong si Charm sa dalawa. "Pa'no niyong nalaman?" usisa niya sa normal niyang malamig na boses.
Hindi siya sinagot ng dalawa, diretso lamang ang tingin ng mga ito para siguro makapag-concentrate sa pagbibilang nga. "We count obviously... 34, 35, 36..." Hindi siya tinignan ni AC nang hinihingal na sagutin siya nito.
Lumapit ako sa coffee table na pinapagitnaan ng sala set, hindi tumatakas sa aking paningin ang ilang gasgas at basag niyon.
Hsk. Damn. Just great.
Nakapatong do'n ang iPhone ni Lulu. May nag-text sa kanya at naka-display iyon sa screen. Inalis ko iyon para mag-display naman iyong stopwatch na sinasabing tama nga ang bilang nina AC at Fira.
Tumuwid ako ng tayo at nagsalita sa tatlo. "Get up."
"Sa wakas!" mabilisan nilang binagsak ang sarili sa likod ng sandalan ng sofa.
Kung akala nila ay tapos na ang parusa nila... "Palitan niyo lahat ng nasira niyo," turo ko sa paligid.
Tumango lang sila, pagod na pagod sa ginawa.
Tumungo ako sa kusina, nilalagpasan ang hapag-kainan kung saan nakasunod sa akin ang tingin ng lahat ng naroon.
Bumalik ako sa pwesto ko kaninang nakahilig sa kitchen island para maharap silang lahat. Napanguso ako. "Ano pang hinihintay niyo? Kumain na kayo rito."
Marahang naglakad ang tatlo sa pang-sampuang lamesa. Nauna sina AC at Charm sa dalawang bakanteng upuan sa pagitan nila Tempest at Ski. Kaya napilitan si Sapphira sa nag-iisang upuan sa gitna nila Ice at Ash.
BINABASA MO ANG
The Heartless (Original Version)
Science FictionSnow could have simply chosen to die when everything was taken away from her. No, she was already dead. But her heart was taken and she lived. She lived even though she didn't want to, even though she didn't know how to. But there's one thing that s...