Chapter 07: First Party

2.8K 121 0
                                    

Limang araw na yung nakakalipas magmula yung araw na pumunta ako sa palasyo.


"Ano sa tingin mo, Ashina?" Napatingin ako sa duke nung tinawag niya ako.


"I can't see why not? Birthdays are supposed to be celebrated after all." sang ayon ko sa ideya nung duke at dahan dahang hinihiwa yung steak na nasa harapan ko.


We were discussing what to do on Alkaia's brithday which was in three days time.


Nandito kasi ako ngayon sa dining hall ng mansyon. It was a rare occasion in which all of our family members are present. Konti lang ang trabaho ng duke ngayon, at day off naman ni Alkaia sa trabaho niya.


At ako.. Well, palamunin lang naman ako dito. So, obviously wala akong ginagawa. I am free as hell.


Parang nahirapan akong lunukin yung kinakain ko nung naisip ko 'yon, at napatingin ako kay Alkaia. Who was just across from me.


Nagtaka ako sa tingin niya sa akin, at sunod siyang tumayo sa kinauupuan niya kasama yung plato niya ng pagkain. Pareho kaming napatingin ng duke sa kanya at umikot siya sa table para makapunta sa akin.


Anong ginagawa ni lalaking 'to?


Nagulat nalang ako nung bigla niyang kinuha yung plato ko at pinalit yung plato niya sa akin. Nakita kong nakahiwa na sa maliliit na piraso yung steak niya, at saka ko lang narealize yung ginawa niya.


"T-Thank you..?" ani ko na hindi pa ako sigurado, pero tinignan niya lang ako at bumalik na agad sa upuan niya.


Wait, nakita niya ba yung sarili ko na nahirapan lunukin yung pagkain!?


Kaya ba ginawa niyo 'yon? Ahh! Nakakahiya!


Napainom ako ng tubig sa oras na makaupo si Alkaia, at nagpasalamat ako na hindi na gumawa yung duke ng komento sa ginawa ng anak niyang lalaki.


"It's been a while since we last held a banquet in our household. Is that alright with you, Alkaia?" Tanong ng duke kasi yung party na gaganapin is patungkol sa birthday niya.


I like that unlike Ashina, everyone in this household is normal. At hindi pa toxic. Although the duke spoils Ashina, he always remembers to ask Ashina or Alkaia before doing something that might affect them.


He was a good father, indeed. So, paano lumaking kontrabida 'tong si Ashina?


"Kung ayaw mo, then that's fine. Ashina, are you willing to--"

"It's alright."


Sabay kami nang duke na biglang napatingin kay Alkaia. Sobrang tahimik niya lang kanina, kaya parang naging sigurado na yung duke na hindi siya sasang ayon sa party.


"Birthdays are supposed to be celebrated, right?" Ani niya habang naghihiwa ng steak at kinain 'yon na parang wala lang yung sinabi niya.

Live as a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon