Chapter 25: Dead

1.3K 65 6
                                    

Nanlaki yung mata ko nung natapos yung tanong ni Alkaia. Hindi ko pa nga napoproseso na nandoon si Ascelin, naguluhan na agad ako.


What the hell?


Paano nila nalaman na nanumpa na sa akin si Ascelin?


"Is it wrong that I'm her knight?" Hindi ko alam kung naghahamon ba ng away si Ascelin sa tono ng boses niya, pero hindi na ako nakaimik kasi bigla nalang bumigat yung pakiramdam nung buong lugar. 


Parang konti nalang masasakal na ako kahit alam kong nakakahinga pa rin ako. 


"Ashina, what were you even thinking?" Kahit ako hindi ko alam kung anong isasagot sa tanong ni Alkaia. I don't think there's anything wrong with Ascelin being my knight..? 


Or baka may hindi lang ako alam? 


Kaya ba hindi tumatanggap ng panunumpa si Ashina kahit kanino? Ano ba talaga ang meron? 


"If it makes you happy." Hindi ko napigilang mapanganga sa nakita ko at naitakip ko yung kamay ko sa bibig ko. 


Kasabay na rin yung paglaki ng mga mata ko nung nakita kong nakaluhod na si Lionel sa harap ko. 


"With the power vested in me by the Knights of Order. I, Lionel Yevan Avelon, swear to become your knight. To protect you from harm, to save you from pain, and to follow your will for whatever it may cost." 


Mula sa pagkakayuko niya sa akin, tumingala siya para makita ako. He held a hand out in front of me as if asking for my permission, at ito akong hindi alam kung ano yung mararamdaman ko sa nangyari. 


Lionel.. swore his oath to me. 


When even in the novel, he never once thought of doing it to Ophelia. 


Bakit ako? Bakit hindi si Ophelia? Ano na bang nangyayari? 


"Ashina, will you let me be your knight?" Naghalo halo yung mga iniisip ko dahil hindi ako sigurado kung anong isasagot ko. 


Should I say no? And then what? Further serve the doubts that everyone had in me? Baka ikamatay ko na 'yon. 


But saying yes feels so wrong. Hindi ako dapat yung nandito.. This was not my story. 


"Y-Yes." Hindi ko alam kung parang pilit yung pag-oo ko sa panunumpa ni Lionel and I held his hand. 


Matapos kong gawin 'yon, my eyes widened at the golden strings that appeared out of nowhere. It crept up from Lionel's arms and onto my hands, na tila ba pinagsasama kaming dalawa. It's like a mark of gold was in my wrist, at ganon din kay Lionel. 


At nung napatingin ako sa isa kong kamay, ibang kulay ng tali yung nakita ko. 


Live as a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon