Chapter 17: Interest

1.8K 76 7
                                    


Namula ako sa sinabi nung prinsipe.


Ano daw..? Hindi naman yata mali yung pagkakarinig ko hindi ba? He just called me beautiful, right? Tama ba? Or nagha-hallucinate na ako?


"Oh? Hindi ko inaasahan 'yon."


"Huh?" Napatingin ako sa prinsipe kahit medyo lutang pa ako sa mga sinabi niya.


"I didn't know the famous Lady Ashina could blush red like that." Napahawak kaagad ako sa mukha ko dahil sa mga sinabi niya at napatalikod ako.


Sino ba naman kasing hindi mamumula sa mga sinabi niya!? Ni hindi ko nga alam kung nilalagnat ako o hindi kasi nararamdaman ko nang mag init yung pisngi ko.


"I-Imahinasyon mo lang po 'yon, Prinsipe Lionel."


I cleared my throat after my voiced cracked, at inayos ko ulit yung sarili ko para harapin siya. Nung nakita ko naman yung mukha niya, hindi ko alam kung nag eenjoy ba siyang asarin ako o ganon lang talaga yung itsura ng mukha niya ngayon.


A look with a faint curve in his eyes and lips.


"If you say so." Napatango tango nalang ako sa pagsang ayon ng prinsipe, at naitanong ko na rin ang dapat kong tanungin.


"Why are you here, your highness?" tanong ko sa kanya at ngayon ko lang napansin na may dala dala pala siya nung pinakita niya 'yon sa akin.


"Palitan mo yung damit mo."

"Po?"


Nagtaka ako pero dahan dahan kong tinanggap yung damit na binibigay niya. Napatingin ako sa damit at nakita ko na kung anong klase 'to.


It was a commoner's clothing.


"May pupuntahan po ba tayo..?" Ang naitanong ko ulit, at ngumiti siya na parang alam niyang itatanong ko 'yon. At ito naman akong hindi alam kung bakit nagugulat pa rin ako sa tuwing nakikita kong ngumiti siya.


Nakakasilaw yung kapangyarihan ng ngiti ng isang male lead. Parang mas lalo kong naiisip na patatas ako sa totoo kong mundo.


"Malalaman mo pagdating mo doon." It looked like he was insistent in not divulging any more information, kaya naman hinayaan ko nalang.


"Kung ganon ay magpapalit na po ako, Prinsipe Lionel." Mukhang nakuha naman na niya yung mensahe at tumango siya bago tumalikod para umalis.


But before he had actually gone, he stopped midway.


"Oh, before I forgot." Lumapit siya ulit sa akin at nagulat ako nung hinawakan niya yung kanang kamay ko.


Live as a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon