It's been two days since nangyari yung panunumpa sa akin ni Ascelin.
Hindi ko alam kung ano yung iisipin ko na yung pangalawang lead sa storya ay personal na tagabagbantay ko na.
Hindi pa nga dumadating si Ophelia, napapalapit ko na sa akin yung dalawang lalaking mahalaga sa storya na 'to. Eh, hindi naman ako yung bida!
Nakunot ko na yung noo ko sa naisip ko habang nakatitig sa canopy ng kama ko.
Wait.. hindi naman na siguro ibig sabihin nito na.. ako na yung bida? I mean, I thought about it before but it cant be happening now. Right..?
Napaupo ako mula sa pagkakahiga ko at inisip ko nang mabuti ang lahat.
Nalipat ako sa mundo ng novel. Nalason ako at biglang nakabalik sa sarili kong mundo. Nakatulog ako tapos biglang nabalik dito. Ngayon naman, maliban sa interes ni Lionel pati na rin si Ascelin napapalapit na sa akin.
Napahawak ako sa ulo ko.
Hindi. Hindi. Hindi. Hindi. Hindi.
HINDI 'YON PWEDE!
Then that just means sa akin na iikot lahat?
Napatayo ako sa kama ko dahil hindi ako mapakali, and I nervously nibbled on my nails.
Sigurado akong mangyayari pa rin yung engagement party namin ni Lionel. That is inevitable. Since ito ring kay Nilo ay nangyari sa nakaraan, it is supposed to be set in stone. At isa akong unexpected variable sa kaso na 'to.
So, every act that I do is crucial.
Sa akin na ba talaga umiikot yung storya?
But I have no way of knowing that.
Agad akong napatigil sa pag iisip ko nung may kumatok.
"Binibining Ashina?" Tawag sa akin nung taong nasa kabilang banda ng pinto. "Gising na po ba kayo?" Tanong nito sa akin at napasagot na rin ako.
Mamaya ko nalang itutuloy yung mga iniisip ko.
"Oo, Peyton. Pakitawag nalang yung mga maids para bihisan ako." Kahit na hindi ko siya nakikita dahil nakasarado yung pinto ko, naramdaman ko pa ring yumuko siya sa harap ko.
Nakarating siya kinagabihan matapos ng pag uusap namin ni Ascelin.
He had something to do, kaya hindi siya nakasama nung pagpunta namin dito. Kaya si Alkaia ang kasama ko noon at tagabantay. Kaya nung nalaman niya na pupunta si Peyton matapos yung araw ng pagdating namin.
Umalis na agad siya nung umagang 'yon at iniwan ako kay Ascelin.
BINABASA MO ANG
Live as a Villainess
FantasyAshina Aelis Eusebia is a daughter of a duke. She lived her life as the richest duke's daughter lavishly, arrogantly, and shamelessly. And it was her destiny to die at the hands of the crown prince for the attempted assassination of his fiancee. As...