Chapter 40: Tea Party

715 26 1
                                    

It's been a week since the so called contract happened.


Baka nga hindi lang isang linggo.


Matapos nung kontratang 'yon. Hindi ako kinausap ni Lionel. Lumabas siya ng tent as if nothing ever happened, at inilabas nila yung prinsipe ng Lucencia pati na rin yung mga kawal nila palabas ng imperyo namin.


And me..?


Well, I was taken back to our mansion.


Pinabalik nalang nila ako sa mansyon nang wala man lang pasabi na kahit ano. I didn't even get to say anything to Ascelin. 


Dapat nga may pag uusapan pa kami.


Napabuntong hininga nalang ako sa nangyayari ngayon, at napatingin ako sa taong naglalagay pa ng tsaa sa tasa ko. "Tama na, Peyton. I'm full already." Tinanggihan ko yung tsaa na binigay niya at napaisip nalang ako ulit. 


Paano ko ba ulit makikita si Ascelin? If his family are not labeled as traitors, ano nang mangyayari sa Marsus? Yung kilalang information guild? Siya pa rin kaya ang magiging leader no'n? 


I mean, he did oust his brother to be heir.. Tinulungan niya pa nga akong ibuking yung plano ng kuya niya e. Pero hindi nangyari yung parte kung saan pati siya ng papa niya ay maituturing na traydor ng imperyo. 


"Binibining Ashina." Napatingin ako kay Peyton nung nagsalita siya. 


"Bakit, Peyton? May pinapasabi ba si papa?" Tanong ko sa pagtawag niya sa akin bumaba yung tingin niya sa kamay ko. Kaya naman gano'n na rin yung ginawa ko. 


"Wala po, binibini. Ngunit mukhang nalulukot niyo nang tuluyan ang imbitasyon na hawak niyo." Naluwagan ko naman kaagad yung pagkakahawak ko sa liham nung sinabi niya 'yon. 


"It seems that I was lost in thought." Rason ko nalang at tinitigan ko yung envelope na hawak hawak ko. Since it was an invitation, I could just send it back since I didn't want to go. A lot of useless ones had been coming ever since I got home.


Kaso.. nalukot ko yung papel. If I return it in this state, that would mean that I am insulting the person that sent the letter, as well as their family.


So, with a sigh, I took a letter opener from Peyton and opened the invitation. 


Greetings Ashina,

                    I heard that you just got back from Treviri. Kamusta naman ang pagpunta mo roon? Marami kaming balitang naririnig patungkol sa pagpunta mo roon. That's why I'm inviting you to my tea party. Why don't you share your experiences from there to us? I'm sure it would be an honor to hear those stories first hand.

Yours truly, 

Rhianne Silvian Frandell


Nakunot ko naman kaagad yung noo ko sa nakita ko. Sa dinami dami pa ng invitations, bakit kay Rhianne pa!? 

Live as a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon