Chapter 01: Waking Up

5.2K 160 1
                                    

Teka lang, nasaan ba ako? 


Huminga ako ng malalim at sinubukang ikalma yung sarili ko. 


Okay, isipin muna natin kung nasaan ako bago ako napunta dito. 


Unang una, birthday ni Cashmere. Kaya nandoon ako sa bahay nila kasama mga batchmates namin habang nag iinuman. Namoblema pa ako kasi anong oras na at wala na kaming masasakyan pauwi, kaya nag overnight na kami. 


Tumigil na ako sa pag inom kaya sumama na ako kila Patty para matulog. 


And after no'n.. nakahiga na ako sa kama. 


Wait.. kung nakahiga ako sa kama.. Paano naman ako nakarating dito? Panaginip ba 'to? Kinurot ko kaagad yung pisngi ko dahil doon, at nung sumakit 'yon, kumbinsido na akong hindi panaginip 'to. 


Pero paano naman kasi ako mapapadpad sa kwarto na puno ng lalaki!? 


Tapos mga walang damit! Tinakpan ko kaagad yung mukha ko gamit yung kamay ko at nagsimula akong mag isip. 


Prank ba 'to nila Cash? I mean, kahit na sabihin nating prank 'to hindi ba parang sobra sobra naman 'to!? Para akong nagkakasala sa tuwing napapadpad yung tingin ko doon sa mga lalaki.


Where the heck am I!?


"Binibining Eusebia!"


Nagulat ako nung may biglang nagbukas nung pinto sa kwarto at may isa pang lalaki na pumasok.


I was thankful that he was fully clothed.


Pero ano 'to? Bakit mukha siyang butler?


"Binibining Eusebia! Hanggang anong oras po ba kayo matutulog?" sigaw sa akin nung butler at nagtaka na ako.


Ako ba yung tinutukoy niya?


Napaturo pa ako sa sarili ko para makasigurado at pinanliitan lang ako ng tingin nung lalaki.


Hala, ako nga.


"Binibining Eusebia, oras na po para tumayo kayo sa kama niyo." nakunot ko nalang yung noo ko doon sa sinabi nung butler at isa isa nang nagising yung mga lalaki sa kwarto.


"Binibining Ashina.." nagulat ako sa sinabi nung isa sa mga lalaking nagising sa kama ko.


Ang gwapo niya, shet.


Pero ano yung pangalan na sinabi niya?


Ashina..?


Wait..


"Ashina Aelis Eusebia?"


Tinuro ko yung sarili ko at tinignan lang ako nung butler at nung mga lalaki.

Live as a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon