Chapter 03: Red is The Villain's Color

3.6K 113 3
                                    

Matapos akong paliguan ng mga maids ko at bihisan ng panibagong damit, sumakay na ako sa karwaheng dadalhin ako sa kapitolyo ng Harbalen.


Nasa loob kami ni Peyton ng karwahe, pero walang nagsasalita. Of course, if I want to strike a conversation, ako ang dapat unang magsalita. But it's not like I want to talk either. Ni hindi ko nga alam kung anong klase ng dress ang isusuot ko e.


Palibhasa kasi puro ang gagara ng mga damit ni Ashina. Kung hindi magara, kulang sa tela.


Mareng Ashina, ano bang ginagawa mo sa buhay mo?


"Binibini, nandito na po tayo." napatingin ako sa bintana dahil sa sinabi ni Peyton, at nakita ko ngang nasa kapitolyo na kami.


Naunang lumabas si Peyton para alalayan akong bumaba, and it was not long after that that my eyes wandered around. I mean, mula sa memorya ni Ashina, alam na alam ko na 'tong lugar na 'to.


But it feels very different to see it in person.


Parang ngayon lang talaga nag-sink in sa utak ko na nasa mundo ako ni Ashina.


"Dito po, Binibining Ashina."

"Salamat, Peyton."


Habang hawak hawak yung kamay ko, si Peyton na mismo yung nagdala sa akin sa dress shop na laging pinupuntahan ni Ashina.


Nakarating naman kami sa harap ng dress shop ng walang problema. Maybe, I was too hopeful to think na walang ibang mangyayari dahil unang araw ko palang naman sa mundo na 'to. But then again, life doesn't work that way.


"Oh, look what we have here?"


Hindi pa ako nakakalapit sa pinto pero may bigla nalang lumabas mula doon sa shop. Sa gulat ko nung makita ko yung pagmumukha niya, nagpasalamat nalang ako na nanigas yung mukha ko at nawalan nang ekspresyon.


"Lady Rhianne." I gave her a look of acknowledgement once I called her name.


Rhianne Silvian Frandell.


Daughter of Count Frandell, and a woman who has an inferiority complex against Ashina, at pati na rin sa ating bida na si Ophelia.


She was.. to say.. the second villainess? Na mas mauunang mamatay kaysa kay Ashina?


I mean, sino ba kasing tanga ang susubukang lasunin si Ophelia sa mismong birthday niya tas ang bigla niyang nalason ay yung prinsipe kasi inagaw niya yung alak na iinumin ni Ophelia?


I swear. Ginawa lang yung character niya para mamatay sa isang napakatangang dahilan, at para na rin maikumpara na mas metikulosong kontrabida si Ashina kaysa sa kanya. But seeing her face right now makes me want to think that she had it coming for her.


That condescending look she has on her face when I'm clearly in higher standing.. is soon going to be the death of her. Naiintidihan ko na rin bakit naiinis si Ashina sa babaeng 'to.

Live as a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon