Chapter 15: Familiarity

2K 73 0
                                    


Sabay na napatingin sa akin yung dalawa at nagulat sila nung makita ako.


"Lady Ashina.." Ang tawag sa akin ni Peyton nung dahan dahan na akong bumaba sa pagkakabuhat niya. Wala na siyang nagawa para agapan pa yung ginawa ko, kaya naman inalalayan niya nalang akong tumayo.


"Anong nangyari sa Treviri?" I looked at the two men from down below, at hindi sila nakasagot kaagad sa akin.


"Alkaia, you promised me." Alkaia looked away from me as he looked repentant due to what I said.


Nangako siya sa akin. Nangako siyang babalitaan niya ako sa nangyayari sa Treviri, kaya 'wag niyang masabi sabi sa akin na wala akong karapatang malaman. And besides, fiance ko ang prinsipe.


So, I really do have the right to know.


"Lucencia is slowly gathering their forces as we speak. A war will soon be upon us." I knew it.


"You're going, right?" natanong ko kaagad si Alkaia at tumango naman siya.


"Then, I'm coming with you." Ang nasabi ko at nagulat ako sa mga sagot nila.


"No!"

"Absolutely not!"


Sabay na sabay pa si Alkaia at Papa sa mga sigaw nila na parang inakala mo pinagplanuhan nila 'yon.


"Ano bang iniisip mo, Ashina? A war is not a playground." Ramdam ko yung galit ni Alkaia nung nagsalita siya, as if what I had said was full of absurdity.


"Don't you think that I know that?" Hindi ko na tinago yung mapagpanggap kong inis sa mga sinabi ni Alkaia. Just because I was meek and obedient these past few days, doesn't mean I will be forever.


Edi hindi na talaga ako si Ashina kapag nangyari 'yon.


But I guess ginagamit ko lang din talaga si Ashina para magawa yung mga gusto ko.


"My fiancee is about to go to war, and you expect me to sit here and act like it's none of my business?" Ginamit ko yung ugali ni Ashina na "kung ano gusto ko, ayon ang masusunod" kontrabida concept, and mukha namang gumagana 'yon.


Hindi na nakasagot si Papa at Alkaia sa akin e.


"Pero Ashina, kakagaling mo sa sakit." Sinubukan ni Papa na magmakaawa, pero hindi gagana sa akin 'yon.


"And when did that stop me?" I asked my father with a smile and that ended the discussion.


Mukhang naramdaman din naman kasi nila na kapag hindi nila ako pinayagan, tatakas nalang ako para makarating sa Treviri. Kaya kaysa naman pumunta ako doon nang hindi nila alam, isasama nalang nila ako.

Live as a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon