Chapter 54: A Fate of One

385 15 2
                                    


Nung maimulat ko yung mata ko, nagtaka ako kung bakit sobrang dilim.


Nagising ako nang nakatayo at hindi nakahiga, so it's safe to assume that it isn't my room that I woke up in, right?


Napatingin ako sa paligid ko, and it's all black and gray. And not to mention, dark.


Pero ang nakakapagtaka doon, ay kahit napakadilim, nakakakita pa rin ako.


And there was this figure.. dressed in white, na hindi ko makita yung itsura. I couldn't see what face that person had, pero hindi ako nakakaramdam ng takot kahit kitang kita ko yung itsura niya.


"You're already on your fourth death, missy."


Nakunot ko kaagad yung noo ko sa sinabi nung nilalang sa akin, at napabuntong hininga siya.


"Sinabi ko na sa kanyang mahihirapan siyang baguhin ang nakatakdang tadhana ng isang tao, but I guess being stubborn is being human." Hindi ako humadlang sa pagmumuni muni ng taong nasa harapan ko, at hindi ko alam kung anong sasabihin ko.


Ano 'to? Nasaan ba ako?


"You're at the boundary between worlds, Ashina." Nanlaki yung mata ko nung alam niya yung pangalan ko.


"Or should I call you, Faith?" Napatingin ako sa kanya nung bigla nalang siyang nagpalutang lutang sa harapan ko, at narinig kong magsalita siya ulit.


"Well, both are your names, so it shouldn't matter. Right?" Hindi ko alam kung tinatanong niya ba talaga ako o hindi, but I was really hoping that this is just a dream.


"Nakakalungkot mang sabihin. Pero hindi ito panaginip, binibini." Nagulantang na naman ako na parang binabasa niya yung nasa isip ko, at nagsalita na naman siya.


"Siguro naguguluhan ka na ngayon kung sino ako, so let me introduce myself."


Parang naramdaman kong ngumiti siya kahit walang mukhang nakatapal sa ulo niya, at nakita ko siyang magbigay ng yuko habang nakalutang.


"I am the Goddess of Fate."


The Goddess of Fate?


Huh? Ano raw?


"This is probably hard to believe, at alam kong napakarami mo nang tanong. So, I'll give you the gist of it."


Bumaba siya sa lupa nung natapos siyang magsalita. The being was smaller than me, pero ramdam na ramdam ko yung presensya niya.


"I called you over to this world in order to save someone." Mas lalong nakunot yung noo ko sa sinabi niya, at parang nahalata niya namang naguguluhan pa rin ako, kaya naman nagsalita na siya.

Live as a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon