Pinaliwanag naman kaagad ni Lionel na palilikasin naman nila yung mga tao, bago pa magsimula yung gyera na inaasahan nila.
And this festival seems to be some symbol of good luck, or a prayer to god by the civilians to win the war.
Naghalo halo yung tuwa at kaba sa akin habang pinapanood ko yung mga taong nagbibilihan ng kung ano ano ngayon. This place, this street, and those houses I see would soon be void with people.
And this will become a warzone.
At kailangan kong pigilan 'yon.
Parang napakalaki na ngayon nung responsibilidad na kinuha ko, tapos hindi ko pa alam kung paano ko sisimulan kasi ang alam ko lang ay si Nilo ang magiging dahilan ng pagbagsak ng Lucencia.
"Humihingi ako ng paumanhin, binibini. Hindi kita dinala dito para problemahin yung hindi pagkakasundo ng dalawang imperyo." Napansin na siguro ni Lionel yung nagbagong ekspresyon ng mukha ko.
He must've brought me here to have fun.
Naawa ako ngayon sa kanya, his idea kind of backfired, really. But I have to be modest.
"Maayos ang aking pakiramdam, ginoo. 'Wag sana kayong mabahala." I reassured him and refrained from revealing his title as we are undercover, at hindi ko alam kung nakumbinsi ko ba siya o hindi.
And there's only one thing to convince him and myself.
Mamili ng kung ano ano.
Hindi ko na muna inisip kung anong gagawin ko kay Nilo at tinungo ko yung tingin ko sa mga kung ano anong bagay na nakapukaw ng atensyon ko. Mula sa mga disenyong pang-kwarto hanggang sa mumurahing alahas, at kung ano ano pa.
Para ngang tinignan ko ang lahat.
"Ano pong tawag dito?" tanong ko sa isang tindero nung nakita yung mga tinitinda niyang pagkain. Para siyang doughnut, or baka doughnut talaga tapos hinukay yung tinapay sa ibabaw para mag-mala mangkok at lagyan ng cream at kung ano anong prutas.
"Ah! Trias ang tawag dito binibini! Espesiyalidad ng Treviri! Kung bibili kayo ng dalawa, babawasan ko na yung presyo dahil kasama mo yung kasintahan mo!" Nang enganyo kaagad yung tindero at namula ako sa salitang kasintahan.
Tatanggi na sana ako kaso naisip ko kung may mali ba doon?
We're technically engaged.
Napatingin ako sa likod ko at nakita ko nalang na nag uusap si Lionel at Vallen. I guess it's not that bad. Kung ayaw kumain ni Lionel, edi akin nalang. Nakatipid pa ako ng konti.
"Sige po, bibili po ako ng dalawa." Nabigyan naman ako kanina ng tanso at pilak ng prinsipe bilang panggastos kasi baka makakuha kami ng atensyon ng magnanakaw kung puro ginto ibabayad namin.
BINABASA MO ANG
Live as a Villainess
FantasyAshina Aelis Eusebia is a daughter of a duke. She lived her life as the richest duke's daughter lavishly, arrogantly, and shamelessly. And it was her destiny to die at the hands of the crown prince for the attempted assassination of his fiancee. As...