"The empress?" Nabanggit ko nalang ulit yung taong tinukoy ni Ascelin, and he nodded.
The empress? Ano naman yung koneksyon sa akin at ng emperatris? He said that the empress has set her eyes on me. Was that good?
But I doubt that the serious expression on Ascelin's face meant anything good.
"As it stands, Ashina.. kapag ikaw nga talaga ang magiging fiancee ni Lionel.. it only means that he's already on his way to secure the throne." Naikunot ko kaagad yung noo ko sa mga sinabi niya. To secure the throne? What did he mean? Hindi ba't sa kanya naman na talaga mapupunta yung trono?
"But isn't he already the crowned prince?" I stated the question that was currently present in my mind, at ito akong nagtaka kung bakit nag iba yung timpla ng mukha ni Ascelin.
"What do you mean he's the crowned prince? Ashina, may alam ka ba?" Siya naman ngayon yung nagtanong sa akin, at sinagot ko siya.
"Sa mga alaala ko noon, si Lionel na ang tagapagmana ng trono ng hari." He looked at me as if I was spouting complete and utter nonsense, pero pinagpatuloy ko.
"The first prince is sick, isn't he? At napakabata pa ng pangatlong prinsipe. Kaya parang normal lang naman na kung iisipin mong si Lionel ang kokoronahan kapag pumanaw ang emperador." Nung natapos akong magsalita, nakita ko lang siyang matahimik at mapaisip ng saglit sa mga sinabi ko.
"Ashina, are you aware of what is happening inside the court?" Masinsinang tanong ni Ascelin, at napailing ako. Kasi wala naman talaga akong alam kung anong nangyayari sa loob ng palasyo.
"Sobrang komplikado ng nangyayari ngayon, Ashina. The second prince and the empress are vying for the throne." It took a lot out of me when I tried to control the expressions on my face as I heard that.
Ano? Kalaban ni Lionel yung mismo niyang nanay? Ano 'to? Ba't 'di ko alam 'to? Saan nanggaling 'to?
"As I thought.." Naikunot ko yung noo ko nung nagsalita ulit si Ascelin.
"Hindi buo yung mga alaala mong ng nakaraan, hindi ba?" Hindi ko ako nakasagot sa kanya, because it was true. But it's not like I was trying to keep it a secret from him either.
Akala ko nga nung nakaraan nasa loob lang ako ng isang libro. At sino ba naman kasing mag aakalang buhay ko 'to noon? Napakalayo ng ganitong sitwasyon sa mundong kinalalagyan ko ngayon.
"At that time, nung una mong sinabing may naaalala ka, alam mo na bang mangyayari yung alaalang pumasok sa utak mo o naalala mo lang nung mangyayari na?" Napahawak ako sa sarili kong mga kamay nung sumagot ako.
"Pumasok lang sa utak ko yung mga alaala nung mangyayari na. My memories are there.. but it's more or less unreliable unless I actually remember all of it." Pareho kaming natahimik sa mga sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Live as a Villainess
FantasyAshina Aelis Eusebia is a daughter of a duke. She lived her life as the richest duke's daughter lavishly, arrogantly, and shamelessly. And it was her destiny to die at the hands of the crown prince for the attempted assassination of his fiancee. As...