Chapter 14: A Person

2.4K 79 1
                                    


Nung nawala na sa kabilang dulo ng pinto yung prinsipe, para akong nakahinga ng maluwag.


Jusko! Hindi ko na siguro alam kung anong gagawin ko kung naisipan ng prinsipe na gawin yung kontrata! Baka mamaya kung ano pa ilagay niya doon at hindi na mababago 'yon hanggang sa matapos yung nakalagay sa kontrata.


Nagamit ko pa yung mga sinabi ni Patrick kay Spongebob, kaya nagpasalamat ako na hindi napunta sa wala yung panonood ko ng cartoons. Hindi ko inaasahang makakaligtas ako dahil doon.


But still..


He did say that he was going to see me soon.


Siguro hindi ko naman na 'yon maiiwasan. He is my fiance after all.


And that's not all.. The prince also admitted that he was interested in me. To the point na tinanong niya pa kung anong gagawin ko kapag hindi niya ako pinakawalan.


Don't tell me he's going to fall in love with me? Hindi naman siguro.. 'di ba? Somehow, kahit sabihin ko sa sarili ko, I can't convince myself.


Anong gagawin ko kapag nahulog yung loob sa akin ng prinsipe!?


Parang naramdaman ko na ulit yung pagod ko nung naisip ko 'yon, and I could also feel a headache coming in.


"Ashina." Napatingin ako sa pinto nung narinig ko 'yon.


"Oh, Alkaia?" Nagtaka ako kung bakit siya nandito. Ni hindi ko man lang siya narinig na kumatok.


"I knocked, but you didn't answer."

"Ah.."


Napatango nalang ako sa mga sunod niyang sinabi at dahan dahan siyang lumapit papunta sa akin.


"Ashina, did something happen between you and the prince?" Hindi ko napigilan yung pagkunot ng noo ko dahil sa sinabi niya.


"Besides the poison.. was there anything else?" Para akong kinabahan sa kung ano anong implikasyon ang meron sa tanong niya. May iba pa ba akong kailangang isipin?


I was already changing the storyline so much. May iba pa ba akong aalalahanin maliban doon?


"Hindi, wala naman. Nakakapagtaka lang kasi na nanggaling pa siya sa Treviri bago dito." Nung narinig ko yung pangalan ng lugar mula kay Alkaia, agad akong napaisip.


Treviri? Treviri..? Saan ko ba narinig 'yon?


"Alkaia, saan banda ba ang Treviri?" Hindi ko na naiwasang mapatanong kay Alkaia at tinaasan niya ako ng kilay.


"I knew you were unaware of things, but I didn't know that it was this much." Parang nararamdaman kong biglang nangati si Alkaia na sermonan ako, but he held himself.

Live as a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon