"Stop talking, woman!" Napatingin ang lahat sa babaeng nagsalita, at nakita kong yung Stelle na naman 'yon.
"Why? Is there anything wrong with the conditions I've set?" Mahinahon kong tanong doon sa Stelle, at nahahalata kong nanggagalaiti na siya. I'm sorry, girl. But I have to live. Kahit na sabihin nating maging masama ako para sa'yo.
"Oo! Maling mali! Anong sabi mo? This magical contract would last until one of you dies? Remove that part! It's illegal!" Napatingin nalang ako sa mga kapanig ko na kasama ko doon sa loob ng tent, at gano'n din sila sa akin.
"It might be for Lucencia." Nanlaki yung mata ng prinsipe at nung kasama niya sa sinabi ni Lionel.
"But not for our empire. That is why being the first one to lay the conditions is more favorable." Paliwanag pa niya at nakita kong hawakan ni Lionel yung kamay ko.
"That is why my fiancee wanted you to go first, First Prince of Lucencia." Narinig ko yung diin sa boses ni Lionel nung tinawag niya si Rivai, at nahahalata kong naiinis na siya sa nangyayari.
"You're in our territory, so you're required to follow our rules. Or is that a problem for you?" Nakikita kong inaangasan na ni Lionel yung kabilang panig, at hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay niya. Pero hindi pa rin nawawala yung init ng ulo niya.
Ba't ba bigla bigla nalang pumipitik pisi nito!?
"Why you--!"
"Back down, Stelle."
Pinigilan naman kagaad ni Rivai yung Stelle, lalong lalo na't nakahawak na yung babaeng 'yon sa espada niya. Kaya naman lahat ng tao sa kwarto ay inilagay na yung mga kamay nila sa mga sandata nila.
And that included Lionel, who also took me by the hand and hid me behind him.
"Well, ako naman ako nagpauna sa binibini." Nakahinga ako ng maluwag nung parang pumapayag nalang yung kalabang prinsipe sa amin.
"Your highness!" Tinawag ni Stelle yung prinsipe niya, pero binigyan lang siya nito ng isang masamang tingin at nanahimik na siya.
"I accept those terms." Kumalma naman ang lahat nung narinig namin 'yon kay Rivai, at nagpatuloy ako sa paglagay ng mga naisip kong patakaran na pwede niyang sundin. Dalawa na yung nasasabi ko, at meron nalang akong isa pang kondisyon.
"Lastly, every condition laid by the First Prince of Lucencia in this contract shall first be approved by me."
Nagulat ko na naman lahat ng mga tao na kasama ko, pero hindi pa ako nagtatapos doon.
"If, and only if, the condition by the prince is finally approved by Lady Ashina Aelis Eusebia, shall it be considered written in this magical contract." Tuloy tuloy kong nakikita yung mga salita kong nasusulat doon sa kontratang nasa harapan namin, at napatingin kaming lahat sa pumalakpak.
BINABASA MO ANG
Live as a Villainess
FantasyAshina Aelis Eusebia is a daughter of a duke. She lived her life as the richest duke's daughter lavishly, arrogantly, and shamelessly. And it was her destiny to die at the hands of the crown prince for the attempted assassination of his fiancee. As...