Chapter 26: Finding Reasons

1.2K 54 1
                                    


Nataranta ako.


Gusto kong sumigaw pero hindi ko nagawa.


Nababaliw na ako.


Nababaliw na ako pero hindi ako makapag react.


Anong nangyari? Bakit? Nararamdaman kong may hangin na pumapasok sa katawan ko, but my body is not responding to that breath of air.


Tumitibok pa kaya yung puso ko?


Napatingin ako sa salamin sa dressing table ko, at nakita ko yung sarili ko.


No. Ayoko nang alamin.


Binalewala ko nalang yung nalaman ko, and I tried to act normal. Walang alam yung pamilya ko, and I would only cause unnecessary panic kung sasabihin kong tila bangkay na yung katawan ko.


Sinigurado kong gumagalaw ng maayos yung katawan ko, at pinigilan kong manghina yung mga binti ko habang pababa ako ng hagdan.


I mean, sinong hindi manghihina kung bigla mo nalang malalaman na hindi ka na pala talaga humihinga?


Sinubukan kong huminga ng malalim para mapakalma yung sarili ko, pero that itself is not effective kasi lalo kong naaalala yung nangyayari sa akin.


Ano na bang gagawin ko?


"Ate! Ang tagal mo!" Narinig ko yung boses ng bunso kong kapatid na si Neo, kaya napasagot na ako.


"Ito na, ito na!" Dinahan dahan ko na yung hagdan at naglakad na rin papunta sa dining room kung nasaan sila.


"Oh, ayan na pala e." Napatingin ako kay Papa nung tinuro niya ako, at nabaling din ang tingin nila sa akin.


"May fried chicken dito. Fries, spaghetti, at pizza. Ayoko na kasing magluto mamaya kaya nagtake out na ako." Paliwanag ni mama habang tinutukoy yung mga pagkaing nakahain at pinilit kong ngumiti.


"Sakto, gutom na ako." Hindi ko alam kung nangarag ba boses ko, pero wala naman silang nahalata kaya lumapit nalang ako sa kanila.


"Mahaba haba yung naging tulog mo ah, nahirapan daw si Steph na gisingin ka." Napaupo ako sa parehong lamesa na kinauupuan ng pamilya ko, at sinagot ko yung tanong ni papa.


"Kapagod yung birthday party ni Cash e." Paliwanag ko at kahit ako medyo nawiwirduhan.


I spent all that time in that other world, pero pagdating dito, kakagising ko lang. I'm literally right where I left off.


Akala mo sinave na laro.


"Anong nangyari sa mata mo?"

Live as a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon