Chapter 32: Memories

824 38 4
                                    


"Ate!" 


Naidilat ko kaagad yung mata ko nung naramdaman kong may sumampal sa mukha ko, at nakita ko si Steph sa harap ko. 


"Tangina mo naman, ate! Nananadya ka na yata e! Akala ko namatay ka na!" Maluha luhang ani sa akin ng kapatid ko at saka ko lang napansin na nakahiga na pala ako sa sahig. 


"Ayan kasi! Sige, manggulat ka pa! Sa susunod ikamamatay ko na talaga mga pinaggagawa mo!" Sumisinghot singhot na si Steph nung sinusubukan ko nang maupo sa pwesto ko. Halatang halata mong pinipigilan niya yung luha niya. 


Punyeta, ang sakit nung sampal niya ha. 


"Kasi naman! Bakit parang hindi ka na naman humihinga? May sakit ka ba?" Nag isip kaagad ako ng pwede kong dahilan kasi kapag sinabi kong oo, baka ipa-pacheck up naman ako kaagad. 


Baka malaman talaga nila na bangkay na yung katawan ko. 


"Wala, imagination mo lang 'yon. Labas sa kwarto ko!" Tinulak ko siya palabas ng kwarto ko, at sinarado ko kaagad 'yon para hindi na siya makapasok ulit. 


Napabuntong hininga nalang ako. 


Kamusta na kaya yung katawan ko sa kabilang mundo? 


Napatingin ako sa katawan ko ngayon at pinakiramdaman ko 'to. Wala namang nagbago. Maliban na parte na parang bangkay na 'to kapag wala ako, naigagalaw ko pa naman lahat. 


So, I guess buhay pa rin ako doon..?


Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa mga impormasyon na nalaman ko, at sunod akong napatingin sa kwarto ko. 


It's a weekend, so wala akong pasok. Bukas pa. I'd love to do something about my situation habang nandito ako, pero ano namang gagawin ko? 


It's not like I have powers over here. 


And besides that.. 


Napatingin na naman ako sa sarili ko sa salamin na nasa loob ng kwarto ko. 


I was Ashina in my past life. It was my past life, pero akala ko libro lang siya na nabasa ko. And apart from the start of the story, which is yung birthday ni Lionel, wala akong naaalala prior to that. 


I've had so many death flags until now, at hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit ako hinahabol ni kamatayan. 


I mean, right now, hindi naman ako masamang tao. Hindi ba? Lumaki akong mahal ng pamilya ko at wala naman akong natapakang tao. So, how the hell was I Ashina? 


Paanong ako at si Ashina ay iisa, when our personalities are too far apart? 


Live as a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon