Chapter 33: I'm Alive

806 39 1
                                    


"Hoy, Faith? Ano na?"


Nabalik naman kaagad sa realidad yung pag iisip ko nung narinig ko boses ni Cash.


"Hindi kasi.. hindi ko alam bakit may naaalala na ako." Paliwanag ko kay Cash at natahimik siya saglit.


"Then? Ano naalala mo?" Tanong niya, at nagsimula na nga akong magkwento. And involved na yung mga nakita kong sinulid matitingkad ang kulay.


"Wait, after mo 'yong makita.. Nawalan ka na ng malay?"

"Oo."


"Edi ayon yung sagot na hinahanap mo!" Nakunot ko kaagad yung noo ko sa mga sinabi ni Cash.


"At paano ko naman 'yon naging sagot?" I was genuinely asking, kasi hindi ko nga alam kung anong ibig sabihin nung mga nakita ko.


"Malalaman mo kapag tinanong mo na doon sa mga lalaki yung ibig sabihin nung mga sinulid kuno na nakita mo!" Dali dali niyang sagot, which actually made sense.


Kasi nga tinago nga pala nila Ascelin sa akin 'to.


Pinalabas nilang hinimatay ako sa pagod.


"Ano? Tama ako no?" Giit ni Cash nung hindi na ako nakasagot pa.


"Oo na."


Nararamdaman ko namang tama nga yung sinasabi ni Cash. May tinatago nga sa akin sila Ascelin. Kaso naiisip ko palang na babalik ako doon, parang sumasakit na yung ulo ko. 


Hindi pa naman ako patay dito, so hindi pa ako natutuluyan doon. But then, everyone must be panicking as to why that happened to me. At hindi basta bastang makakawala si Nilo dahil sa ginawa niya sa akin. 


Our families might be on the same standing, but I was to be a princess. 


It was basically treason.


"Cash, ibababa ko na muna 'tong tawag ha? Kausapin nalang ulit kita mamaya." 

"Huh? Faith, wai--"


Hindi ko na pinatapos si Cash magsalita at binaba ko na yung tawag, and without further ado, ay humiga ako sa kama ko at hinayaan yung sarili kong makatulog. 


And there I was.. Unti unting minumulat muli yung mga mata ko. 


It was quiet. Eerily quiet. 


Isang pagkagara garang kisame yung bumungad sa akin, so alam kong nandito na ako kung nasaan yung mga lalaki. Dahan dahan akong napaupo sa kama ko at naramdaman kong ang sakit ng lalamunan ko. 


Para akong paos na hindi ko maintindihan at ang sakit ng lalamunan ko. 


Live as a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon