Chapter 41: Rendezvous

644 29 2
                                    

"Po? Alam niyo po yung pangalan ko?" Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga sinabi niya, because she just confirmed that it was actually her. 


Bakit siya nandito? Wasn't she supposed to make her debut in society at the prince's birthday party? May limang buwan pa bago siya tuluyang magpakita. Kaya bakit nandito na siya? 


"Are Lady Rhianne and the others over there?" Tinanong ko nalang din siya para mawala sa isip niyang alam ko yung pangalan niya, at ito akong nagpapasalamat na nakalimutan na niya kaagad yung nasabi ko.


"Naroon na po sila. Um, maari ko po bang malaman ang pangalan niyo?" Malumanay niyang tanong sa akin, at sinagot ko nalang din yung tanong niya.


"It's Ashina Aelis Eusebia."


Hindi ko alam kung bakit parang nanlalamig yung buong pagkatao ko nung nakita ko siya, pero binalewala ko nalang 'yon at patuloy na naglakad para makita ko kung saan nila ginaganap yung tea party.


"Mukhang nandito na ang pinakahihintay natin." I could hear Rhianne's voice even from far away, at halatang halata ko namang ginagawa niya akong katatawanan.


Iniisip ko palang na kakausapin ko siya, napapagod na ako.


Nung nakalapit ako doon sa tea table, saka ko lang nakumpirma na tama yung hinala ko.


Wala nang bakanteng upuan doon sa table. Probably because I was invited here as a show. Which was good, actually.


Hindi ko naman gustong magtagal dito e.


"Maari mo na bang i-kwento ang nangyari sa'yo sa Treviri?" She asked in a mocking tone of voice, at naririnig ko ring tumatawa yung ibang nga babaeng kasama niya.


What a bunch of simple minded idiots.


"I only came here to give this." Inilapag ko sa table yung lukot lukot niyang invitation.


"Is that.. my invitation!?" Napatayo siya sa kinalalagyan niya, at tinignan ko lang siya.


"I made the mistake of crumpling it, that's why I'm here. Napakita ko naman na yung mukha ko, so I guess that's enough for everyone to know that I'm alive and well?"


Nakita ko yung nanggagalaiting mukha ni Rhianne, at sunod akong tumingin doon sa ibang mga babaeng kasama ni Rhianne.


"I don't know what brought you ladies here, but isn't it about time you thought about how this is a waste of time?"

"Anong sabi mo!?"


Rinig ko na naman yung sigaw ni Rhianne pero hindi ko na pinansin 'yon at tinalikuran ko na sila.


"If there's nothing else, I'll take my leave."


Live as a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon