"Faith? Gising ka na?" Huh?
"Hoy, babaita. Alas otso na. Ikaw nalang hinihintay namin." Unti unti kong naimulat yung mata ko habang tinataas yung sarili ko para makaupo sa kama.
"Huh..? Patty?" tinawag ko yung kaibigan kong nakapamewang sa harapan ko at napatingin ako sa paligid ko.
Kwarto..
Nasa kwarto ako ni Cashmere. Yung study table niya na may laptop at kung ano ano pang mga gamit. Yung cabinet niyang tinataguan ni Aaron para gulatin kami. Yung aircon na laging pinapatay tuwing madaling araw.
Yung bag ko. Yung jacket na suot ko. Lahat nandito.
"Ano na, gising na ba si Faith?" Napatingin ako sa isang taong pumasok sa kwarto, at nakita ko yung birthday girl. Nakita ko si Cashmere.
"Ayan pala e! Tara kain na tayo!" Sabi niya at hindi ko alam kung anong gagawin ko sa nakita ko.
"P-Patty.." tawag ko kay Patty na pinakamalapit sa akin, at naramdaman ko nang isa isang tumulo yung luha ko.
"Hala! Hala! Ba't ka umiiyak!?" Nagpanic kaagad si Patty at niyakap ako, at sunod na napapasok si Cashmere para tulungan siyang pakalmahin ako.
And one by one, my friends stormed in para lang malaman kung ayos lang ba ako at kung ano nangyari sa akin.
Hindi rin nagtagal ay tumahan ako at nakwento ko na rin yung nangyari sa akin.
"Hindi ba parang panaginip lang 'yan?" Sagot kaagad ni Nathan pagtapos ng storya ko at dinugtungan kaagad ni Aaron.
"Ah, basta ako nalulupitan ako. Sana all, teh. May gwapong kuya pagkagising tas gwapong fiance pa. Yun nga lang, nalason ka." Nakaupo pang nagpapaliwanag si Aaron at nakita ko nalang na nakapulupot yung braso ni Gab sa dibdib niya.
"Paano kaya kung.. totoo talaga yung mundong nakita mo at hindi basta bastang panaginip lang?" Na-curious ako sa naging tanong niya at sumunod kaagad si Abby sa pagsasalita.
"'Wag mo na ngang takutin si Faith! Kita mong kakatapos niya lang mamatay e!" Pinagalitan ni Abby si Gab at dumugtong kaagad si Lucas.
"Actually.. Mas nakakatakot yung sinabi mo, Abby." Nakita kong napatakip si Abby sa bibig niya at narinig ko na si Cashmere.
"Okay, wait! Pero nandito ka naman na 'di ba?" Bumalik na ulit sa akin yung tanong at napatango ako.
"Edi hindi ba parang nandoon na yung sagot?" Nakunot ko kaagad yung noo ko sa mga sinabi niya. Sagot? Anong sagot?
"Na panaginip mo nga lang yung nangyari?" Sabay sabay na napatingin sa akin yung mga kaibigan ko, at kahit din ako parang naniniwala na sa mga sinasabi nila.
BINABASA MO ANG
Live as a Villainess
FantasyAshina Aelis Eusebia is a daughter of a duke. She lived her life as the richest duke's daughter lavishly, arrogantly, and shamelessly. And it was her destiny to die at the hands of the crown prince for the attempted assassination of his fiancee. As...