Chapter 11: Conviction

2.5K 101 0
                                    


"It's all my fault, father." Nakunot ko yung noo ko sa narinig ko.


Sino yung nagsasalita?


"No, Alkaia. It must be mine." Alkaia..?


Parang unti unti akong natatauhan nung narinig ko yung pangalan na 'yon, at pinakiramdaman ko yung katawan ko. Every single part of my body were either numb or aching, it wasn't wrong to say na masama yung pakiramdam ko.


Dahan dahan kong naimulat yung mata ko, at nanibago na naman ako sa nakita ko.


Nagising ako sa isang lugar na pamilyar, but at the same time, hindi.


Layers of quilt were laid on top of me, at parang sigurado na akong gawa 'yon sa pinaka malalambot na balahibo ng ibon. My bed had a canopy filled with translucent silk, at naramdaman kong napakalambot din ng unan ko.


This room wasn't mine.


It was Ashina's.


"Hindi ko na dapat inimbitahan ang prinsipe." Napalingon ako sa kanan ko nung may marinig ako, and I was right to think that it was Alkaia.


At tumama rin ako sa hinala kong siya ang nag imbita sa prinsipe. 


"No. I should've stopped the engagement in the first place." Naguluhan yung utak ko nung naririnig ko silang mag akuan ng kasalanan.


Hindi ko alam kung bakit nandito na naman ako, pero dapat ko yata munang ipaalam sa dalawang kapamilya ko na buhay pa ako.


"Papa.." I called out to my father, at nakita kong sabay na mapatingin sa akin yung dalawang lalaki.


"Ashina!" Nasigaw nila yung pangalan ko ng sabay, at dali dali silang lumapit sa akin. The duke sat on the chair beside my bed, at hinawakan niya yung kamay ko.


Alkaia, on the other hand, was hovering behind our father.


"Ashina. Salamat sa diyos at gising ka na." Nakita kong maluha luha ang duke habang hawak hawak yung kamay ko, and when I glanced at Alkaia, a look of worry was plastered in his face.


"How long have I been like this..?" I asked the two of them, at sumagot naman kaagad sila.


"Four days, Ashina. You were asleep for four days."


Four days. Wala ako dito nang apat na araw dahil nandoon ako sa kabila..? Nagpapabalik balik ba ako sa dalawang mundo? Alam kong wala pang isang buong araw yung pagbalik ko sa mundong alam ko.


Natulog lang ako, and now I'm suddenly back here?


Live as a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon