Chapter 43 : First Dance ❤

86 1 0
                                    

Rhian's POV

Panibagong araw para sa akin.Pero naalala ko na hindi na pala ako mag-isa ngayon dahil sa bawat pag-gising ko sa umaga muka na ng lalaking mahal ko ang unang nasisilayan ko.Walang iba kundi si Shaun.Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na masaya nakaming dalawa ngayon.Parang panaginip kung iisipin ang lahat.Pero sa bawat araw na nakakasama ko si Shaun paulit ulit niyang pinapaalala sakin na lahat ng nangyayari na ito ay totoo at hindi lang basta panaginip.

Dalawang linggo na ang makalipas nang huli kaming nag-usap ni Amiel.Malungkot pero nakakaluwag ng damdamin.Hindi na kami muling nagkita simula ng gabi na iyon.Isa na lang ang alam ko tungkol sa kanya.Sabi sa school balita na nag-ibang bansa na si Amiel para dun mag-aral.Masaya ako para sa kanya.Dahil pinili niya pading ituloy ang buhay niya.

Habang ako nananatiling masaya sa piling ni Shaun.Halos araw-araw nakakasama ko siya.Tuwing umaga bago pa ako gumising nasa kwarto ko na siya at pinagmamasdan lang ako natutulog.At sa pag-gising ko lagi niya akong binibigyan ng pulang rosas.Sabay kaming nag-aalmusal at pumapasok sa school.Sila Kris ann at Jasmine naman ay busy na din dahil kinausap na silang dalawa ng mga parents nila about business syempre.Diyan naman umiikot ang mundo ng mayayaman diba? Kaya silang dalawa madalang na lang kung matulog sa bahay namin.Pero tuwing may projects or assignments lagi silang nasa bahay para samahan ako.

Katulad nila nandyan din si Shaun sa tabi ko.Hindi natutulog sa bahay namin si Shaun pero bago siya umalis sinisiguro niyang mahimbing na akong natutulog.Ang swerte ko nga sa kanya.Magtatalong linggo na kaming magboyfriend ang girlfriend ni Shaun.At wala pa kaming nagiging tampuhan or LQ.

"Good morning Rhian ko" nakangiting salubong sakin ni Shaun habang pababa ako sa hagdan

May dala nanaman siyang breakfast para samin dalawa hindi niya ito nakakalimutan.

"Good morning Shaun na gwapo" natawa ako sa sinabi ko

"Mukang maganda ang gising ng Rhian ko ngayon at tinawag akong gwapo" lumapit siya sakin at niyakap mula sa likod

"Araw-araw naman maganda ang gising ko dahil sayo" sabi ko

Nakita kong biglang namula ang tenga nito at umiwas ng tingin.Pag ganyan siya kinikilig yan.

"Uy kinikilig ang boyfriend ko!" Sabay kurot ko sa pisngi niya

"Hindi kaya." nagpipigil ng ngiti na sagot niya

"Sus nagdeny pa siya aminin mo na!" At tinusok ko dito sa tagiliran haha

"Aba nanghahamon ba ang Rhian ko ng kilitian?" Tumingin ito ng nakakaloko sakin

"Shaun di ko gusto yang iniisip mo" parang nangbabanta ang tono ng boses ko

Umurong na ako ng konti mula sa kanya dahil alam ko na ang susunod niyang gagawin

"Oh bakit ka biglang umusog ah?" Nakangisi nitong tanong

"Wag kang lalapit!Di lang pisngi mo ang kukurutin ko Shaun umayos ka!" Natatawa kong sabi

"At saan mo ko kukurutin?sa balls ko?haha"

Namula naman ako sa sinabi niya dahil naalala ko noong una kaming nagkita

"Ewan ko sayooo!" pagkasabi ko ay bigla na akong tumakbo sa labas

"Rhian wag kang magpapahuli sakin makakatikim ka sakin!" sigaw niya at pinagpatuloy ang paghabol sakin

"Wah! Kung mahahabol mo ko!" lalo kong binilisan ang takbo

Nakarating ako sa garden at nagtago sigurado ako di ako makikita ni Shaun dito

One Last HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon