Ashton's POV
"Son,you're going to the Philippines with Charmaine"
Napa-angat ako ng ulo sa narinig ko.Totoo ba to?Pupunta kaming Pilipinas?
"W-why mom?" tanong ko
"Kailangan mong samahan si Charmaine sa Pilipinas dahil may dapat siyang asikasuhin dun na bussiness ng pamilya nila"
Nagkunwari akong hindi interesado "Eh bakit kailangan isama pa ako"
"Because you're the husband.Ibinilin sakin ni Mr.Solano na kailangan i-guide mo si Charmaine sa pagpapatakbo ng bussiness nila sa Pilipinas kaya kailangan mong sumama"
Yun pala ang dahilan nila.Tss puro bussiness na lang ang nasa utak nila.
"How about you mom?Sasama kaba?"
Umiling ito "Nope son.Di ko pwedeng iwan ang New York kaya mag-iistay ako dito."
"So gaano katagal kami mags-stay dun?" tanong ko ulit
Huminga ito ng malalim "For good."
Nanlaki ang mata ko "What?!Paano ka dito?Wala ka ng makakasama."
"Wala kang dapat ipag-alala.Blake is always there for me.At ikaw kailangan ka ng ASAWA mo"
"We're not yet married mom so please wag mo munang ipagdiinan na asawa ko siya"
"Pero malapit na din kayong ikasal kaya masanay kana" sabi niya
Kung hindi sana kami pinilit ma-enggaged.Masaya na sana kami ni Rhian.Oo until now mahal ko padin si Rhian at walang magbabago dun kahit na malapit na ako ikasal.
"Kung ano man ang iniisip mong gawin pagbalik mo ng Pilipinas itigil mo na.Hindi magandang ideya kung babalikan mo pa ang babaeng yun." paalala niya
"Wala akong sinabing babalikan ko siya.Baka ikaw ang nakakalimot na ikakasal na ako sa isang taon kaya wala kang dapat ipag-alala dahil simula palang ng nalaman ko na ikakasal ako matagal na akong nawalan ng babalikan" yun na lang ang huli kong sinabi at umalis na ako sa harap niya
Alam ng Diyos kung gaano ko gusto makita si Rhian.At ngayong babalik na kami sa Pilipinas gagawin ko ang lahat makita ko lang siya kahit pa nandyan si Charmaine wala akong pakialam.Babalikan ko ang babaeng mahal ko at magiging masaya ulit kaming dalawa.
---------------
Charmaine's POV
Naghanda ako ng masarap na dinner para kay Ashton.Alam kong pauwi na siya dahil tinawagan ko si Tita Bella at sinabi nito na kakatapos lang nila magusap.Wala akong ideya kung anong pinagusapan nila maybe about sa wedding namin?Pero sabi ni tita si Ashton na ang magsasabi sakin.
Ilang minuto pa ay narinig ko na nga ang kotse ni Ashton na bumisina para pagbuksan siya ng gate.Agad naman itong binuksan ng mga maid.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.Maganda naman ako.Sexy at tulad ni Rhian minsan na di akong nag-model pero bakit di ako magustuhan ni Ashton?
Binura ko sa utak ko ang mga tanong na naisip ko.Agad akong bumaba para salubungin si Ashton.
Nakita kong pasan-pasan ito ng mga maid namin.Naglasing nanaman ito.
"Sige ako ng bahala sa kanya.Thank you" sabi ko sa mga maid namin at pinasan ko na si Ashton
Tinignan ko ito at mukang pago na pagod "Hon bakit ka naman naglasing.Nagprepare pa naman ako ng dinner mo"
Hindi ito umimik.Dumiretso kami sa kwarto at hiniga ko siya sa kama.
Bahagya kong tinignan ang muka nito.Ang gwapo talaga ng isang to.Kahit pa na masungit ito pagdating sakin at lagi akong sinisigawan.Mahal na mahal ko padin si Ashton.Kahit pinagtutulakan niya pa ako palayo mahal ko padin siya.
BINABASA MO ANG
One Last Heartbreak
Fiksi RemajaSabi nila when it comes to love always expect heartbreaks.Pag nagmahal ka imposibleng hindi ka masasaktan.At pag nasaktan ka ibig sabibin nagmahal ka.Mahirap bumitaw kung alam mong may laban pa.Mahirap lumaban kung yung taong mahal mo bumitaw na.Per...