Ashton's POV
Sh*t halos di ko makatulog kagabi ayy mali hindi talaga ako nakatulog.Ano bang ginawa ko?Masyado akong nadala ng aking emosyon.Di ko din alam bakit ko nasabi sa kanya yun.Noon pa lang na pinakakita sakin ni mommy ang mga pictures niya bata pa lang ako sobrang nabighani na ako sa kanyang kagandahan HAHAHA boom panes! XD.Ayy nanaman ba tong sinasabi ko.Ok balik tayo sa sinasabi ko.Tulad nga ng sinasabi ko kanina mula bata pa ako parang humanga na ako kay Rhian.Alam niyo bang nung bata ako lagi kong pinilit si mommy na papuntahin na dito si Rhian kasi gusto ko siyang maging kaibigan.Pero pag sinasabi naman ni mommy na ayaw niya nagmamaktol ako nagkukulong ako kwarto.Oo di ko alam kung nalove at first sight ata ako sa kanya ang baduy pakinggan pero yun yung naramdaman ko una ko pa lang siya makita.Kaya nga nung nalaman kong nandito na siya at dito pa siya sa bahay titira di ko maintindihan ang aking naramdaman parang sobrang saya na ewan.
*FLASHBACK*
*tok*tok*tok* Nagising ako sa sa ingay na nagmumula sa katok sa pinto.Sinabi ko naman sa maids na wag na wag akong iistorbihin e.Isisisante ko talaga to.
"Diba sinabi ko na-" hindi pala ang mga katulong ang imistorbo sakin kung hindi si Blake ano bang kailangan nito.
"Pasok ka.Ano bang kailangan mo?"tanong ko sa kanya at bumalik na ako sa pagkadadapa ko sa kama.
"May supresa ako"
"Ano nanaman yun?Ilapag mo na lang diyan sa mesa at umalis kana.Istorbo ka e."
"Tingen ko di mo gugustuhin na makita niya ang magulo mong kwarto" ano sinasabi niya?so hindi ito bagay?!
"Ano bang-" pinutol niya na ako sa aking sasabihin at muling nagsalita.
"Andyan na ang kapatid ko"
"Hayy nako Blake luma na yan di mo na ako maloloko" noong mga bata kasi kami lagi niya akong niloloko na nandyan si Rhian para mapabangon ako tuwing natutulog ako parang panggising niya sakin ganun
"Ayaw mo maniwala?Sige papapasukin ko siya dito at patatabihin sayo" seryoso ang boses niya so totoo?
Napabangon na ako sa kama at mulat na din ang aking mata sa gulat
"Totoo nga?!" sigaw ko sa kanya
"Kung tignan mo kaya sa baba?"
Agad-agad akong tumakbo sa closet para magpalit.Kailangan makita man lang ako ng mukang maayos.
"Hindi ka padin nagbabago Ashton ganyan na ganyan padin ang reaksyon mo pag nalalaman mong nandito ang kapatid ko" pang-aasar sakin ni Blake kahit kelan talaga to.
"Kuys ano bagay ba sakin ang white oh grey?" tanong ko sa kanya hawak ko ngayon ang dalawang long sleeve na polo (a/n: di ko alam kung anong tawag pero tama ba? XD)
"Ok yung grey kuys" sabi naman niya kaya yun na din ang sinuot ko.
"Ano ok ba kuys?" tumango lang siya.
"Tara na kuys gusto ko na siya makita"hinila ko naman siya pababa
At hindi nga ako nagkakamali napakaganda niya.Meron siyang maamong muka.Magaganda ang kanyang mga mata parang hindi nakakasawang tignan.Matangos din ang kanyang ilong.Mukang malalambot din ang kanyang mga labi.
"Kuys baka matunaw kapatid ko" puna naman sakin ni Blake nakatulala kasi ako sa kapatid niya sobrang ganda kasi.
"Hanggang tingin ka lang ba kuys?HAHAHA"
"Huh?Ano hanggang tingin tara bumababa na tayo makikita mo :3"
Pagkababa namin naabutan ko siyang umiinom ng juice.At nililibot ang kanyang mga mata sa paligid.Agad naman niyang napansin na nasa harap niya kami.Lalo akong natulala nang ibaling niya sakin ang kanyang mga mata.Grabe ganito ba talaga ang epekto sakin ni Rhian.
BINABASA MO ANG
One Last Heartbreak
Fiksi RemajaSabi nila when it comes to love always expect heartbreaks.Pag nagmahal ka imposibleng hindi ka masasaktan.At pag nasaktan ka ibig sabibin nagmahal ka.Mahirap bumitaw kung alam mong may laban pa.Mahirap lumaban kung yung taong mahal mo bumitaw na.Per...