Rhian's POV
Dahil sa nangyari kagabi yun nga hindi ako nakatulog.Grabe yung mga mata ko parang mamaga na sa sobrang laki ng eyebags.Sobrang dami ko na ngang iniisip dumagdag pa yung sinabi ni Manang Rosa.Hayyy pano ako neto ngayon.Pagdating ko dun sa New York muka na akong patay.Arrrgg >.< di bale na nga lang.
"Uyy anong nangyari sayo"nagtanong pa itong isa
"Di ba halata Jasmine?Kita mo naman oh namamaga yung mata ko tapos ang laki laki ng eyebags ko.Ano sa tingin mo nangyari sakin?"
"Ah!Bat ka nagpuyat?Diba alam mo namang flight mo na ngayon?Ikaw talaga"
"Naku Jasmine wag ka na nga magtanong baka ano pang magawa ko sayo!" sigaw ko
"Tsk ang sungit mo naman aalis kana nga e"
"Oo nga ano bang nangyari at napuyat ka?" tanong naman ni Kris ann
"Hayy ok para matapos na to.Di kasi ako nakatulog kagabi dahil una tumawag si auntie pangalawa tumawag naman yung kaibigan ni Eron na pinapunta ako sa bar dahil naglalasing at pangatlo dahil kay Manang Rosa"
"Wahhhh!So pumunta ka na dun sa bar.Hinatid mo pa siya sa bahay!Ibang level ka girl!Mahal mo pa noh?"tsk kahit kelan talaga tong Jasmine na to :3
"Gaga!Di ko na mahal yun.Diba nga galit ako dun tapos mahal ko?!Yung totoo Jasmine kanina kapa"
"Eh malay ko ba kung may nangyari sa inyo tapos pagkatapos nun mah- arrrraaaay!Bakit mo ba kinukurot pisngi ko!?"
"E kung ano-ano lumalabas sa bibig mo!Para sabihin ko sayo walang nangyari samin pwede ba tigilan mo yang mga iniisip mo!"
"Ok!Bakit defensive ka?"
"Arrrrrrg >.< Jasmine humanda ka talaga sakin!Bumalik ka dito" pagkasabi kasi niya tumakbo na siya papunta CR at naglock kumukulo talaga dugo ko dito e -_-.Lalo akong naiistress :3
"Tama na yan lalo mo lang iniistress sarili mo" paalala naman sakin ni Kris ann
"Sino ba namang hindi maiistress?!wala na akong tulog tapos umagang umaga may mambibwiset sakin"
"Taman na yan maaga pa flight mo,nakaimpake kana ba?"
"Uhmm oo last week pa"
"Ikaw talaga gustong-gusto mo na kaming iwan."
"Sus nagtatampo kapa diyan!"
"E kasi naman di ko padin matanggap na aalis kana"
"Pag-uusapan nanaman ba natin to Kris ann?"
"Ok fine hindi na.Sandali magbibihis na ako para makaalis na tayo"
"Sige"
-------
Aalis na sana kami nang biglang dumating si Eron.
"Rhian can we talk?"
"Di pwede malalate na kasi ako sa flight ko Eron"
"10 minutes"
"Hmmm..fine go tumatakbo ang oras"
"Una sa lahat Rhian gusto ko ulit humingi tawad alam di mo nanaman ako patatawarin.Gusto ko rin na malaman mo na pinagsisihan ko na lahat ng ginawa ko sayo.Mali na sinaktan kita mali na pinaglaruan kita mali din na pinaiyak kita.Pinagsisisihan ko na lahat yun Rhian.Siguro nga totoo ang karma.Kasi lahat ng ginawa ko sayo noon bumabalik sakin ngayon.Tulad mo naloko din ako sinaktan at pinaglaruan.Siguro naman patas na tayo at pwede ng maging dahilan yun para patawarin mo ko?"
"Ito ang tandaan mo Eron.Kahit kelan hinding hindi mo mararamdaman ang mga sakit na naramdaman ko.Wala pang kalahati ngayon sa sakit na naramdaman mo sa sakit na naranasan ko.Maswerte ka nga ikaw nalaman mo ng mas maaga.E ako?Diba pinagmuka mo kong tanga?Pinaniwala mo ko na mahal mo ko kahit hindi talaga.Masyado akong nagpadala sa mga sinasabi mo na wala naman palang katotohan.Ngayon sabihin mo sakin Eron patas na ba ang tawag mo satin?"
"Rhi-"
"Oppss.Times up,Kailangan ko na talaga umalis.
"Mag-ingat ka"
"Sa sarili mo sabihin yan dahil pagpabalik ko may supresa na ako sayo"sumakay na ako sa kotse at dumiretso na kaming airport.
Habang nasa kotse kami.Kahit isa samin walang nagsasalita.Ang awkward tuloy.Ano ba problema ng dalawang to.Kadalasan naman laging maingay to e.Para di na maging awkward ako na ang unang umimik.
"May problema ba?"
"Wala naman.Kasi iiwan mo na kami e huhuhuhu :(" nagulat naman ako sa kanila ng bigla silang humagugol sa pag-iyak parang nagsisi tuloy ako dapat pala di na ako nagtanong XD
"Uyyy ano ba yan!"
"Wahhhhhh!Rhian wag ka ng umalis.Mamatay kami pag umalis ka Huhuhu wahhhhh!"
"Ok ngayon tumingin kayo sakin."
"Isipin niyo na lang nandun ako para bilhin lahat ng gusto niyo hindi para iwan kayo"
"Kahit na naiiyak padin kami"
"Tama na yan.Namamaga na nga yung mata ko sa eyebags ko baka paiyakin niyo pa ako.Edi di na nakita mata ko pagdating ko dun"
"Osge na nga :("
"Ma'am nandito na po tayo"singit naman ni manong driver
"Oh nandito na pala tayo ang drama drama niyo di na natin namalayan nandito tayo tara na"
Pagbaba namin namin.Pinili kong ako na lang ang papasok sa loob.Hanggang dito na lang.Kasi di ko ata kakayanin pag makita ko pa sila hanggang sa loob baka mapabalik ako.
"Girls una na ako sa loob"
"Rhian mag-iingat ka dun sa New York"
"Wag kang magboboyfriend!"
"Jasmine nagpunta ako dun diba para mag move on at mag-aral hindi para magkaroon ng boyfriend"
"Ok basta wag mo kaming pagpapalit"
"Tama na yan group hug na daliiii!"
Nagyakapan na kami sa huling pagkakataon.Pagpunta ko dun.Wala na yung mga kaibigan kong andyan para pasayahin ako.Wala na yung mga kaibigan na pag-gising ko sila agad makikita ko.Ang lungkot isipin na pagdating ko dun gigising na ako dahil sa alarm clock hindi na dahil sa ingay nila.Kakain ako ng hindi na sila kasabay.Wala na yung pagshoshopping namin magkakasama,movie marathon,damayan sa mga problema namin,tumutulong sa isat't -isa.At higit sa lahat wala sila para pagaanin ang pakiramdam ko tuwing malungkot ako.
"I love you girls.See you next two years.." di ko na napigilan umiyak di na kinaya ng emosyon ko.
"Text mo kami or tawagan pagkadating mo dun ah?"
"Oo sige malalate na ako.Iiwan na ako ng eroplano sige kayo"
"Sige na"
Naglakad na ako papunta sa loob.Bago ako makapasok narinig ko pa ang mga boses nila sumigaw sila..
"MAMIMISS KA NAMIN RHIAN!IKAW ANG PINAKAMATATAG AT MATAPANG NA NAKILALA NAMIN!KAHIT WALA KAMI DIYAN!BASAHIN MO LANG YANG NOTEBOOK NA NASA BAG MO MAY NILAGAY KAMI DIYAN!MAG-IINGAT KA"
Sa huling sandali bumuhos na ang aking mga luha.Kumaway na lang ako sa kanila pero nakatalikod ako.At pinilit ang sarili na magpakatatag tska pumasok sa loob...
----
BINABASA MO ANG
One Last Heartbreak
Teen FictionSabi nila when it comes to love always expect heartbreaks.Pag nagmahal ka imposibleng hindi ka masasaktan.At pag nasaktan ka ibig sabibin nagmahal ka.Mahirap bumitaw kung alam mong may laban pa.Mahirap lumaban kung yung taong mahal mo bumitaw na.Per...