Rhian's POV
"Rhian ano okay ba sayo si Evanz?" tanong sakin ni Jasmine pagka-akyat ko ng kwarto
"Oo naman nakikita ko namang mahal niya yung kaibigan natin." sagot ko
"And?"
"Pero parang may mali." seryoso kong sagot
"Anong mali?Akala ko ba okay si Evanz?" pagtataka ni Jasmine
"May nararamdaman kasi akong mali pero hindi ko alam.Kilala mo ko Jasmine malakas ang kutob ko sa isang tao."
"Yeah right.Pero anong mali nga ang nakikita mo kung alam mong mahal naman ni Evanz si Kris ann?"
"Soon Jasmine malalaman din natin soon."
"Hayyy Rhian!Ewan ko ba sayo!Di ko alam kung manghuhula ka o ano!"
"Tss ewan ko sayo" sagot ko na lang
Bigla naman pumasok sa kwarto si Kris ann na parang matamlay.
"Kris ann anong nangyari sayo?!Para kang lantang gulay!Uminom ka ba ng vitamins mo?" agad naman sigaw ni Jasmine
"Jasmine.." sinabi ko sa tono na parang sinasabing "Manahimik ka muna"
"Kris ann anong problema?" tanong ko
"Wala.Matutulog na ako." sagot nito
"Sige kimkimin mo nanaman yang problema mo.Sige sarilihin mo,para naman kasing wala kami dito." sagot ko
"Kaya nga tama si Rhian!Sabihin mo na go!" singit naman ni Jasmine na mukang tuwang tuwa pa -_-
Bigla na lang may mga luhang pumatak galing sa mga mata ni Kris ann.
"Sinasabi ko na nga ba.May mali." sabi ko
"Rhian naguguluhan na ako." Kris ann
"Kung naguguluhan ka paano pa kaya kaming mga kaibigan mong walang ideya kung anong problema mo?" sagot naman ni Jasmine napawow na lang ako sa loob ko XD
"Feeling ko mali na itong mga ginagawa ko.Na ako na yung pinakamasamang tao sa mundo." mas nagulat na ako sa sumunod niyang sinabi
"Ano bang ibig mong sabihin Kris ann?!" tanong ko
"Bumalik na siya." yan pa lang mga katagang sinabi niya pero alam ko na
"At anong problema?" kunwari na lang na hindi ko alam para lang malaman ko kung anong side niya
"Bumalik siya at sinabing mahal niya parin ako,na babalikan niya ako."
"Anooo?!G*go pa la yung lalaking yun e!Iiwan iwan ka niya tapos ano?!Anong sabi mo?!Mahal ka niya?" teka bakit ganto magreact si Jasmine?Sino bang biktima dito?
"Jasmine huminahon ka.Parang mas apektado ka kung magreact ka." sabi ko
"ARRRRG >_< Ewan di ko na kayang sikmurain pa yang mga susunod na sasabihin ni Kris ann baka mapatay ko na yung lalaking yun.Kaya mas mabuti pang lumabas na ako!" inis na sabi ni Jasmine at lumabas na ng kwarto
BINABASA MO ANG
One Last Heartbreak
Teen FictionSabi nila when it comes to love always expect heartbreaks.Pag nagmahal ka imposibleng hindi ka masasaktan.At pag nasaktan ka ibig sabibin nagmahal ka.Mahirap bumitaw kung alam mong may laban pa.Mahirap lumaban kung yung taong mahal mo bumitaw na.Per...